Vince's Point of view Nagising akong mahimbing ang tulog ng aking mahal na buntis. She gets hotter and hotter day by day kaya dapat laging handa. Kinumutan ko siya hanggang sa kanyang leeg. Lumalamig na kasi ang panahon dito next month ay mag snow na sana pag nag snow na dito ay nakaalis na kami. Tiyak na mahihirapan ang asawa at anak ko na buntis. They need more sunshine kaya dapat ay nasa pilipinas na kami. Pumunta ako sa banyo at mabilis na naligo. Paglabas pa ay tulog pa siya, napailing ako dahil inalis niya ang kanyang kumot. Inilabas ko na lang ang heater at inilagay lang sa 1 para katamtaman ang temperatura sa kwarto. Lumapit ako sa kanya ang madiin na hinalikan ang kanyang mga labi. Napangiti dahil kahit kinagat ko ng bahagya ang labi niya ay mahimbing parin ang kanyang tulog.

