Natan (POV) Halos gusto kong ibalik ang bunso kong anak sa tiyan ng kanyang ina dahil pati ako ay pinerahan niya. Nagpadagdag pa ng limang milyon ng kinuha ko ang kanyang maliit na laptop na siya rin ang may gawa. Kinuha ko ito para ma locate agad ang kinaroroonan ni Nat. Napailing na lang ako, sa lahat ng aking anak ay sa kanya ako nahirapan dahil may asthma na ng ilang buwan palang siya at pala suka pa. Halos wala akong tulog dahil ako ang nagbabantay sa kanya ng buong gabi at papasok pa ako sa aking trabaho. May tatlo pa kaming mga bunso at alaga naman sila ng aking asawa. Marami ang hirap ko sa kanya tapos kung maningil ay wagas. Sabihin pa na may discount na ang singil niya sa akin. Hindi naman ako pwedeng magsabi sa aking asawa dahil malalaman niya na nawawala si Nat. "Hon pagabi

