Chapter 31 MATAMANG nakatitig si Lourd sa dalawang pares na masayang nagda-date sa restaurant malapit sa isang pribadong townhouse ng Fairview. Kinuha niya ang dalang camera at palihim ang mga itong kinuhanan ng larawan. “Tingnan ko lang kung kaya mo pang e-refuse ang mga gagawin ko,” bulong niya sa isip. Ilang araw na siyang nagmamanman sa dalawang taksil na si Dino at Danica. Pinlano niyang mabuti ang mga gagawin upang magkaroon siya ng sapat na ebedensyang kailangan upang tuluyan nang ma-annuled ang kasal nila ni Danica. Hindi na niya kayang makisama rito, wala na rin namang pupuntahan ang pagsasama nila, matagal nang sira na si Danica mismo ang may gawa. Maiintindihan naman siguro nang anak niyang si Angel ang gagawin at tanggap din naman nito kung sakaling maghihiwalay man sila ni

