Chapter 32 Schedule ngayon ni Monina para sa kanyang prenatal kaya't hindi muna siya pumasok ng hotel. Magaan ang loob niyang nagtungo sa opisina ng kanyang OBGYNE. “Good morning po, dok!” bati niya kay Doktora Kristina nang tuluyang makapasok sa opisina nito. “Good morning, Monina, please have a sit!” Agad siyang naupo sa bakanteng upuan doon at nagmasid-masid saglit sa paligid. Nalingunan niya ang mga ibang gamit nito roon, marahil ay kakatapos lang din nitong tingnan ang isa pang customer kanina na nasalubong niya. “So ilang months na nga ulit itong tummy mo?” paunang tanong ng doktor sa kanya. “Mag-ta-tatlo na po, Dok.” sagot niya habang nakahawak sa impis pa niyang puson. “I see! Nakaranas ka na ba ng symptoms ng pagbubuntis?” “Opo, nagsusuka po ako tuwing umaga at hirap na rin

