KABANATA 1
Ang ganda mong tignan habang nakatingala sa kalangitan. Hindi mapantayan ang iyong saya habang tinatanaw ang buwan at bituin na kumikinang.
Ito ako ngayon nakatitig lang sa'yo, habang dinadama ang malamamig na simoy ng hangin.
Makakaya ko bang ikaw ay isama sa magulo kong buhay?
O ikaw na mismo ang tatanggi kong sakaling ikaw ay aking isasama?
'Yong araw na naipanalo ko ang kaharian, 'yon din pala ang araw na naitalo kita.
Follow me @GorgeousCally
Wattpad: GorgeousCally
----
"Zubii?" tawag sakin ni Dok. Porro.
"Po?" kaagad ko namang tugon.
Napasulyap ako sa kaniyang lamesa habang abala ito sa pagsusulat sa kwaderno.
"Pumunta ka muna sa Harden ng Zitadel at pumitas doon ng herbal. Dalhin mo ang isa nating kabayo at mag ingat ka." seryosong aniya na hindi parin tumitingin sa akin.
Inayos ko muna ang aking lamesa para hindi ito magulong tignan. Narito kami ngayon ni Dok. Porro sa opisina ng mga manggagawa may tig-iisang lamesa ang bawat Nurse at Doktor na nagtatrabaho dito.
Maliit lamang ang aming ospital ngunit dumadagsa ang aming mga pasyente. Sa kakulangan ng silid ay hindi na namin kaya pang magkanya-kanya ng opisina.
Para sa akin ay mas mabuti nga lang iyon dahil kapag hihingi ako ng tulong kakalabitin ko lang ang aking mga kasamahan naroon kaagad sila para tulongan ako.
Hindi na ako nagtagal pa at tinahak na ang malawak na gubat ng Zitadel.
Malayo ang aming ospital sa hardin ng Zitadel ngunit pwede kaming kumuha doon ng iba't- ibang uri ng halamang pang-gamot na makikita lamang sa Harden.
Palagi akong dumadaan dito sa kagubatan dahil kapag sa sentro ako dumaan, maaring masayang lang ang aking oras dahil sa mga nakahilerang mga tinda doon.
Narating ko na ang tahimik at maberdeng hardin ng Zitadel. Kaagad kong itinali si Kokoy ang alaga kong kabayo sa puno ng mangga upang di makatakas.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong hardin, payapa ito at sobrang tahimik.
"Kay preskong hangin at mga bulaklak," bulong ko sa sarili.
Kinuha ko ang aking basket para doon ilagay ang aking naipitas na mga halamang gamot.
Sa kalagitnaan ng aking pamimitas ay may nakita akong isang bulaklak na sa tanang buhay ko ay hindi ko pa kailanman nakita.
Ang kulay nito'y pulos itim na may halong pula sa gilid-gilid.
"Sa tagal kong nag-aaral ng herbal-herbal bakit ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng bulaklak..." hinawakan ko ang stem nito at balak ko sanang pitasin upang ipakita kay Dok. Porro, itatanong ko sana kung anong klaseng bulaklak ito para sa karagdagang kaalaman.
"Huwag na huwag mong pipitasin yan..." mababang tonong anang sabi ng lalaki sa aking likuran.
Agad akong napalingon kung saan nang-galing ang boses na iyon. Nakasuot ito ng simpleng damit na may markang Zitadel, maayos ang tindig nito na may maamong mukha.
"Paumanhin po," deretsong saad ko sabay yuko sa kaniya.
Hindi ko alam ang aking sasabihin, bigla nalang akong nakaramdaman ng hiya at baka isipin niya pang nagnanakaw ako dito.
Nakakahiya...
Napatitig ako sa kanyang mukha at pilit na inaalala kung saan ko nga ba siya nakita.
Ngunit malabo... Wala akong matandaan.
Nakakalusaw ang kaniyang mapanuring tingin, hindi ko maiwasang kabahan at manlamig habang nilalabanan ang kabang aking nararamdaman.
"Sino ka?" ma-awtoridad niyang tanong sakin.
Ibinigay ko sa kaniya ang aking propesyong pangkatauhan. Isa itong malapad na kahoy na doon inuukit ang aming pangalan, kung saan kami nakatira at sa kung anong ahensya kami nabibilang.
Nabibilang ako sa ahensiya ng medisina, may ahensya din para sa mga mababang uring tao tulad ng mga alipin, kawal, magsasaka, trabahador at iba pa.
Bawat mamamayan sa Zitadel ay may ganitong uri ng bagay. Para ito sa seguridad at kaalaman ng kaharian patungkol sa mga taong sakop nito.
"Nurse Li Zubii," usal niya kaya napaayos ako ng tayo.
"O-opo..." nakayuko paring sagot ko sa kaniya habang inoobserbahan ang sunod niyang hakbang.
Hindi maalis sa aking isipan kung gaano kaganda ang wangis na taglay niya. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng kawal na ganyan kalinis at kaamong tignan, kay kinis ng kaniyang kutis samantalang sakin huwag nalang nating pag-usapan.
Isa nga ba itong kawal?
"K-kailangan ko na pong umalis at dalhin ang herbal na ito sa ospital, hinihintay na po ako ni Dok. Porro paumanhin po ulit," bahagya akong yumuko at dali-daling kinuha ang basket na pinaglagyan ko ng herbal.
Humarap ulit ako sa kaniya at yumukong muli, agad ko siyang tinalikuran at nagsimulang maglakad papalayo.
"Ipangako mong wala kang ibang pagsasabihan tungkol sa bulaklak na ito, Nurse Zubii." diing aniya sa aking pangalan.
Bigla akong nakaramdam ng kaba... Para bang kapag nawala ang bulaklak na 'yon ay ako agad ang unang hahanapin.
Sumakay ako sa aking kabayo at mabilis na lumayo sa lugar na iyon.
Habang tinahak ang daan pabalik sa Ospital ay punong-puno ang utak ko sa misteryosong bulaklak at sa lalaking 'yon.
Hindi ko alam pero parang nakilala ko na siya dati pa. Hindi ko lang matandaan kung saan, kailan ngunit sobrang naguguluhan na ako...
Isa lang ang gusto ko, ayoko na siyang makitang pang muli.
Dahil ayokong maramdamang muli ang kaba at takot na naidudulot niya sakin.
Nakakaba ang kaniyang mga titig at ang malamig niyang boses.
Ayoko na muli iyong isipin.
Hindi ko namalayang nasa ospital na pala ako. Ibinalik ko muna si Kokoy sa kanyang kulungan para pagpahingahin.
Nang makapasok na ako sa Ospital ay nanibago ako dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Kaagad akong pumunta sa silid naming manggagawa ngunit nadatnan ko lamang ang dilim ng silid.
Bakit bigla akong kinabahan, kinukutuban ako sa katahimikan ng aming ospital.
Napalingon ako sa aking kanan at doon sa gawing iyon ang mga silid ng pasyente. Hindi muna ako pumasok sa silid namin at naglakad muna papunta gawing iyon.
Sa bawat paghakbang ko ay nakikita kong napakagulo ng bawat silid, ni isang pasyente ay wala man lang nandoon.
"Nasaan sila? Nanaginip ba ako?" bulong ko sa sarili at nagpatuloy parin sa paglalakad.
Napatalon ako ng bigla kong marinig ang sigaw mula sa unahan. Nataranta ako at tumakbo patungo doon ngunit namilog ang aking mga mata sa aking nakikita.
Unti-unti akong napaatras pabalik at nanginginig ngayon ang aking tuhod sa takot.
Duguan ang lahat ng pasyente at dinudumog nila ngayon ang tatlong kasaman kong nurse para sunggaban.
Hindi ako makaimik habang tinitignan silang nilalasap ang bangkay ng aking mga kasamahan.
Nakakatakot silang tignan at parang wala sila sa huwisyo.
Nakita mismo ng dalawa kong mga mata kung paano nila lantakan ang katawan ng aking mga kasamahan.
Nanginginig akong tumatakbo pabalik sa silid sa kung saan ko iniwan si Dok. Porro.
"Dok! nandit--" bigla akong natigilan at nabitawan ang hawak-hawak kong basket na puno ng herbal.
"Dok! Anong nangyayari?" aligaga kong tanong habang nakahandusay siya sa sahig, punong-puno ng dugo ang kaniyang damit at duguan ang bandang dibdib niya.
"Zub-bii.. Itama mo ang aking pagkakamali, k-kailangan ka ng buong Z-zitadel.. Umalis kana n-ngayon din paki-usap," hirap na hirap niyang aniya.
Napatalon ako at kaagad na napatayo paatras sa kay Dok. Porro, nanginginig akong nakatingin sa kaniya habang nagsisimula ng mangitim ang kaniyang labi at mga mata.
Ang kulay asul niyang mga ugat sa leeg at maging sa kamay at hita ay nakakatakot na.
"Diyos ko..." mahinang bulong ko sa aking sarili habang ang mga paningin ay nasa kay Dok. Porro parin.
Nagpaikot-ikot siya sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman dulot ng pagbabago ng kaniyang anyo.
Kahit gulong-gulo ako patuloy padin ako sa pag-iisip kung anong nangyari dito.
"T-takbo..." mahina usal niya at dali-dali akong lumabas sa silid na iyon.
Paglabas ko sa silid ni Dok. Porro ay nakahandusay narin ang ibang pasyente sa sahig maging sa labas.
Maraming tao na ang nahawa. Katulad ni Dok. Porro ay nag iba narin ang kanilang mga anyo, maging sila ay parang nawawala nadin sa katinuan.
"Kailangan kong makalabas dito at humingi ng tulong," bulong ko sa sarili habang gulong-gulo ang isip.
May narinig akong kalabog sa kusina kaya ako napalingon doon. Nagulat akong makitang si Yna ang kasamahan kong Nurse na nanginginig na nakatunganga sa sulok.
"Yna?" tawag ko sa kaniya habang umiiyak ito.
"Z-zubii..." agad niya akong niyakap at humagulgol sa aking balikat.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kusina at napakakalat din dito.
"Tara na Yna, mamaya kana magpaliwanag sakin!" sabi ko sa kaniya at hinila siya palabas.
Nadating namin ang tahimik at malamig na White Mountain.
Ang White Moutain ay isang bundok na halos nagyeyelo, maraming Pine Tree's ang nabubuhay dito dahil sa taglay nitong bagsak na temperatura.
Habang hinihingal ay hindi na ako makapaghintay na malaman ang buong katotohanan sa kaniya.
"Sabihin mo sa akin kung anong nangyari. Kung bakit nagkakaganito, labis akong naguguluhan dahil saglit lamang akong nawala at bigla nalang naging ganon ang sitwasyon sa ospital!" nagtatakang wika ko at tinignan siya sa kaniyang mga mata.
Alam kong kinakabahan siya ramdam na ramdam ko 'yon.
Pero hindi ko pwedeng palagpasin nalang gayong siya lang ang nakakaalam sa aming dalawa.
"Z-zubii..." tumakas ang luha sa kaniyang mga mata.
"Z-zubii, kasalan ko..." dagdag niya pa at humahagulhol ngayon sa aking harapan.
"Sabihin mo na kung anong tunay na nangyari. Para magawan natin ng sulosyon at upang hindi na lumala pa ang lahat."
Nakayuko lamang siya at nilalaro ang sariling mga daliri. Hindi siya halos makatingin sa akin at tila maging siya ay naguguluhan din.
"M-may estrangherong nagbigay sa akin ng isang karne. Isa itong kambing, tinanggap ko naman dahil wala na tayong halos makain..."
"Tumanggap ako noong isang araw ng babala galing sa kaharian ng Zitadel. Hindi muna daw sila makakahatid ng mga pagkain sa atin dahil sa kakulangan ng suplay." bahagya siyang nag-angat ng tingin sa akin at marahang napabuntong hininga.
"Presko naman iyon ng tanggapin ko kaya dali-dali ko iyong niluto, pagkatapos pinakain ko sa mga pasyente natin dahil napapansin kong nawawalan na sila ng gana sa lugaw."
"Z-zubii, hindi ko naman alam na ganoon pala ang mangyayari... Bigla nalang silang nanginginig at sumusuka ng itim na dugo," humagulgol siya at biglang nanindig ang aking balahibo.
"Hindi iyon pangkaraniwang sakit Zubii, nangangain sila ng tao at para silang nawawala sa kanilang mga sarili."
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Naging blanko ang aking isipan sa lahat ng nangyayari ngayon.
Wala na si Dok. Porro at mas lalo kaming mahihirapan nito.
"May ipinabibigay si Dok. Porro sa'yo bago siya nahawa." kinuha niya 'yon sa isang supot at inabot sakin.
"Doctor's Journal?" baling ko sa kaniya.
"Nakasaad sa librong 'yan ang lahat ng ating kasagutan..." makahulugang aniya.
-
Ilang araw na din kaming nanatili sa bundok, medyo nahihirapan na kami sa aming pang araw-araw na pagkain.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Yna sakin habang nakaupo sa harap ko.
"Manatili muna tayo dito Yna." marahan kong saad at kiniskis ang sariling mga palad sa aking mga braso para maramdaman pansamantalang init sa katawan.
Pansamantala kaming nanatili ngayon sa isang kweba. Dito kami kumakain, natutulog at nagpapainit sa sariling katawan.
Halos nagyeyelo na ang buong paligid hindi namin alam kong saan na kami pupunta ngayon.
Katapat ko ngayon si Yna habang nagpapainit. Nagtama ang paningin naming dalawa at sabay na napatingin sa mga panggatong na paubos na.
"Tara, bababa tayo."
Tumango siya sa akin at sabay na tumayo para maghanap ng mga panggatong.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa kweba ay may narinig kaming isang ingay ng kabayo.
Marahang pumwesto si Yna sa aking likuran habang ako naman ay hinahanap kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.
Palinga-linga ako sa kahit saan at ng mahagilap ko ang dalawang kabayo na papunta ngayon sa aming gawi ay kaagad akong nagpanik.
"Halika Yna, magtago tayo!"
Nanlaki ang mata ni Yna sa habang nakatingin sa dalawang kabayo na papunta ngayon sa aming gawi. Napaatras siya at hinablot ang aking braso papasok sa loob ng kweba.
"Diyan lang kayo!"
Napapikit ako sa inis at napasulyap kay Yna na ngayo'y takot na takot na.
"Pakiusap, itaas ninyo ang inyong mga kamay at humarap ngayon sa amin." ma-awtoridad na sabi ng isa sa kanila.
Unti-unti kaming humarap ni Yna at muling naglakad papalabas sa kweba. Nakatayo silang dalawa sa b****a at medyo may katangkaran din.
"Sino kayo?" tanong ko sa dalawang lalaki na ngayo'y papalapit sa amin ni Yna.
"Kayo ang dapat naming tanungin. Sino kayo at bakit kayo nandito sa malamig na bundok na ito?" nanunuring sabi ng isa sa kanila at sabay nilang inalis ang takip sa kanilang mga mukha.
Namilog ang aking mata ng mamumukaan ko ang isa sa kanila. Hindi ako halos makapagsalita habang siya naman ay nakatitig din sa akin.
Bahagya akong napalunok at napasulyap kay Yna na ang paningin ay nasa isang kawal din.
"Kilala mo ba sila?" bulong ko sa kaniya.
"Oo, kilala ko pero yong nasa likuran niya ay hindi." wala sa sariling sagot niya sa akin.
Seryoso nila kaming tinititigan na dalawa habang kami naman ni Yna ay ganon din.
Sinuri ko ang pananamitan nila at sigurado akong nabibilang sila sa Ahensiya ng Militar.
"Huwag ka ngang manginig diyan Yna! Mga kawal lang 'yan." naiirita kong bulong sa kaniya at bigla niyang kinurot ang aking mga kamay.
"Kilala ko ang isa sa kanila. Iyang nasa unahan ay isang nakakatataas na Commander." sagot niya sa akin na ikinagulat ko ng husto.
Sabay kaming napayuko para magbigay galang sa kanila. Marahan kong kinurot din si Yna para sa hindi pagsabi niya sa akin kaagad.
"Ano ba! Hindi ka naman nagtanong." galit niyang banat.
"Kilala niyo kami kung ganon?" paniniguradong tanong ng Head Commander sa amin.
"Ako nga pala si Xian at siya naman si Yoohan," pagpakilala nitong si Commander habang itong si Yoohan naman ay parang walang pakealam.
"Ano pong kailangan niyo sa amin? At huwag mamasamain ngunit bakit niyo kami natunton dito?"
"Nasundan lang namin ang usok ng iyong mga panggatong." mahinahong sagot ng Commander.
Nagkatinginan kami ni Yna at malakas akong napabuntong hininga.
Oo nga naman...
Naningkit ang mga mata ng Commander habang nakatingin sa kay Yna. Si Yna naman ay parang nahihiya at kabadong-kabado sa gilid.
"Alam kong kilala mo ako," malamig na sabi ni Commander habang titig na titig kay Yna. "Nagagalak akong makita kang muli, ngunit kailangan kong malaman kung sino sa inyong dalawa ang Alpha." deretsong aniya habang ang aking kaibigan ay pakurap-kurap na nakatingin sa kaniya.
"Hindi namin kayo naiintindihan." kaswal kong sagot sa Commander ngunit nakita kong nakangisi ngayon ang lalaking nasa kaniyang likuran.
"Nurse Zubii..." malamig na usal niya sa aking pangalan at doon na ako biglang kinabahan.
"Sagutin niyo kaming dalawa. Sino sa inyo ang Alpha?" muling tanong ng Commander sa amin.
"Hindi ako ang Alpha." matabang na sabi ni Yna.
"Ngunit kasama mo palagi si Dok. Porro kapag sinusuri niyo kami. Alam kong malapit ka din sa kaniya o kaya ikaw ang pinagkakatiwalaan niya."
"Ano bang kailangan niyo sa kaniya?" seryosong tanong ko.
"Kailangan namin siyang makausap tungkol sa Osptal na pinagtatrabuhan niyo."
Hindi ako makaimik at para akong nanlalamig. May alam na sila sa kung anong nangyari sa aming Ospital at ngayon ako ang pinaghahanap.
"Paparating na ang aking mga
kawal sa ospital para mag imbestiga. Marami ang nagrereklamo laban sa inyo, reklamong hindi niyo daw pinagbubuksan ang mga pasyenteng nangangailangan ng inyong tulong! Bakit nga ba sirado iyon at walang tao?" palipat-lipat ang tingin ng Commander sa amin.
"Siguro nga merong masamang nangyari... Dahil bakit kayo narito?" mapanuring sabi naman ng kawal na nasa likuran.
"Malamang ngayon pinasok na ng mga kawa----"
"Ano?" sabay naming sigaw ni Yna.
"Hindi pwede! hindi, hindi!" sunod-sunod na singhal ni Yna at nagtataka ngayon sila sa aming reaksyon.
Mas lalo lang kakalat ang epedemyang to kapag nabuksan ang Ospital! Kailangan naming mapigilan ang pagbukas ng Ospital dahil kung hindi mas lalong lalaki ang problema.
"Kailangan natin silang pigilan Commander!" nag-aalalang sabi ni Yna.
"Ha? Bakit?" naguguluhang tanong ni Commander sa aming dalawa.
"Mamaya na kami magpaliwanag," pakiusap ko.
"Ang kailangan natin ngayon ay mapigilan sila!"
Agad namin silang tinalikuran at tumakbo na papalayo. Habang nakatakbo ay nakasunod ang dalawa sa amin pilit kaming pinigilan ni Commander at sinenyasang sumakay sa kanilang kabayo.
"Ikaw dito ka sakin," turo niya kay Yna.
Napatingin ako kay Yoohan at sinalubong niya ako ng malamig na tingin.
Sinenyasan niya ako at talagang sumabay na ako sa kaniya para madali naming madating ang Ospital.
Follow me GorgeousCally
Thankyou for voting -,-
Wattpad: GorgeousCally