CHAPTER 13: Gil awake

1045 Words
MATAPOS idineklara ng doktor na comatose si Gilbert ay hindi ito iniwan ni Sabel. Mag isang linggo na itong natutulog na ikinabahala niya, wala namang komplikasyon rito sabi ng doktor at tanging fracture lamang sa may braso nito at leeg ang nakita. Pinaniwalaan niya ang doktor at malaki ang tiwala niya kay Gilbert na malakas ito at gigising din. She smiled staring at Gilbert face. Bahagya niyang hinaplos ang malambot nitong pisngi saka niya tinarapuhan nang maligamgam ang kamay nito at dampian niya nang mahina ng basang tuwalya ang mukha ng binata. “Gil, gumising ka na. Masyado ka namang nawiwiling humiga. Alam mo bang ang sarap gumala ngayong araw, na mi-miss ko nang bumalik sa resort. Gusto kong makasama ka na,” wika niya at kinakausap ang nobyo. Araw-araw niya itong kinakausap at nagbabasakaling marinig siya nito. Kaagad niyang pinahid ang nagbabadyak papatak na luha nang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon mula doon si Sofie. May bitbit itong isang basket na prutas at magandang bulaklak. Buong akala niya ay nag-iisa ito ngunit, kasunod pala nito ang mag-asawang Freya at Gal pati na rin sina Uno at Joaquin. “How is he?” nakangiting tanong sa kanya ni Sofie sabay lapag nito sa bulaklak niyang dala. “Stable na raw siya sabi ng doktor kanina at baka bukas pwede na siyang magising,” sagot niya habang nakahawak sa kamay ni Gilbert. Hindi na muling umimik pa ni Sofie. Ngunit, mas pinili nitong h’wag nang magsalita pa. Dahil nadudurog na ang kanyang puso matapos makita ang kalagayan ngayon ni Gilbert. “Gilbert, should awake. Ayaw naman niya sigurong sa akin ikasal ‘tong si Sabel,” pagbibirong pangasar ni Uno na ikinatawa ni Freya habang si Sabel naman ay napaangat ang kilay. “Ayaw mo rin sigurong basagin ko ‘yang bungo mo, Isa!” asik ni Sabel. Natahimik lang sa isang sulok si Joaquin at nakikitawa rin. Hanggang sa tumabi sa kanya si Gal. Tinapik siya nito na ikinasunod niya ng mata rito. “You should stay away from Sabel, Mr. Sebastian. I won’t let you ruin my brother happiness again,” mahinang wika ni Gal sa kanya. Isang mapangasar na ngisi ang kumawala sa labi ni Joaquin at nakipagtitigan sa katabi. “You can’t stop me. No one will, Mr. Gustav. Hindi ikaw o sino man sa inyo ang magde-desisyon niyan. Sabel is my friend, hanggat hindi ko pa nakikitang ikasal sila ni Gilbert, magagawa ko pa ang gusto ko,” mapang-uyam ang sagot ni Joaquin na ikinakuyom ni Gal nang kamao. Alam ni Gal kung paano maglaro ang isang Sebastian. Hindi ito basta-bastang titigil sa mga gustong makuha. Nagtagis ang pangang ningitian ni Gal nang peke ang kausap bago ito tinalikuran. ILANG sandaling tuksuhan nina Uno at Freya ay hindi nila napansin ang unti-unting paggalaw nang mga daliri ni Gilbert at kasabay nun ay ang pagdilat niya ng kanyang mga mata. Bigla ay napatutop sa kanyang bibig si Sabel at napayakp ng mahigpit sa binata. She cried and was happy as well. “Oh God! Your awake, Gil.” Sambit niya at umiyak sa balikat nito. Kaagad namang tumawag ng doktor si Freya habang si Sofie ay kinabahan na. Hindi na siya mapakali pa at pinagpawisan na siya ng malamig. KALAUNAN, sinuri ng doktor si Gilbert. Kinausap niya na siya namang sinasagot ng binata. Natuwa sa resulta ang doktor at may ngiti sa labing hinarap si Gal. “He is okay now, hayaan muna natin magpahinga ang pasyente. Sa ngayon, kailangan muna niya ang tahimik na kapaligiran. Less visitor is needed, paano Mister Gustav. Aalis na ako,” paalam ng doktor na ikinatango ni Gal. Tuwang-tuwa sa narinig niya si Freya at naiyakap nang mahigpit si Gilbert. “Jeez! Pinag-alala mo kami, alam mo bang sa sobrang pag-alala ng kuya mo, hindi na ‘yan nakakatulog nang maayos!” naibulyaw rito ni Freya na ikinatawa ni Gilbert. “Sorry, I didn’t mean that. You should worried about me, ako lang yata ang gwapong brother in law mo,” pagbibirong sabi ni Gilbert. “Asus! Mabola ka na ngayon ah! H’lika nga, payakap uli,” nangingiting sabi ni Freya na mabilis namang inawat ni Gal. Ngumuso na lang ito na ikinangiti ni Sabel. Ngunit, nawala ang ngiti sa labi niya ng mas pinansin ni Gilbert si Sofie na nakaupo sa sulok. Bigla siyang nakaramdam ng sobrang sakit nang makita niyang kakaiba ang pagkislap ng mga mata ni Gilbert matapos lumapit ni Sofie. Nangignginig niyang naikuyom ang kanyang mga kamao at tila may biglang bumara sa kanyang lalamunan dahil sa sakit. “Wala bang hug galing sa nag-iisang kaibigan ko?” Gilbert said referring Sofie. Lahat ay natigilan, nagtatanong ang bawat isipan maski si Sofie ay nagulat rin. “Me?” naituro nitong tanong sa sarili. “Yes, may iba pa ba? Come here, yumakap ka rin,” Pag-uulit at paglilinaw ni Gilbert. Parang binuhusan nang malamig na tubig si Sabel, hindi niya tuloy napigilan ang paglandas ng kanyang luha dahil sa hinanakit. Gusto niyang sampalin si Gilbert pero bakit? “Gilbert!” naisaway ni Gal sa kanya ngunit tumitig lang ito. “Your hurting Sabel’s feeling, why acting like that, you dumbass!” muling bulyaw ni Gal sa kapatid ngunit napaka kunot-noo lamang sa kanya si Gilbert. Tila hindi siya nito kilala. Tumitig sa kanya si Gilbert nang may pagtataka kung kaya ay naiyuko niya ang kanyang ulo. Nasasaktan siya sa pinapakita sa kanya ni Gilbert dahil kakaiba ang titig nito sa kanya kanina kumpara kay Sofie. Parang hindi ito interesado sa kanya at kulang na lang ay itulak siya nito nang yakapin niya kanina lang. Naiiyak niyang inangat ang mukha matapos niyang maramdaman ang mainit na kamay ni Joaquin. Hinarang ng lalaki ang katawan para hindi niya makita ang pagngiti ni Gilbert habang kausap si Sofie habang siya ay balewala lamang. “Joaquin, please. Iuwi muna ako,” garalgal ang boses niyang pakiusap at walang paalam na tinakbuhan ang nakasarang pintuan para makalabas. Walang humpay sa pagbagsak ang kanyang mga luha habang tinatawid niya ang daan palabas ng hospital. Naninikip ang kanyang dibdib sa sobrang hinanakit. Hindi niya makuha ang dahilan kung bakit hindi man lang siya magawang tignan ni Gilbert. At sa mga oras na iyon ay nagdudurugo ang kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD