CHAPTER 19: The accident, pretend nothing

1925 Words
DUMOBLE ang kabang nararamdaman ni Sabel habang nakatitig sa hawak niyang cellphone. Excited na siyang makitang muli ang nobyo at makasama na ito dahil, mahabang taon na rin silang nagkahiwalay. Bahagyang lumapit si Miss Samira at may pagtataka itong tumitig sa kanya. “May problema ba ang anak?” tanong nito. “Wala po,” tipid naisagot ni Sabel. “Kamusta ang lakad niyo ni Mr. Sibastian? Balita ko ay nabili na niya ang Crown at lupang pagmamay-ari ng kanyang kapatid?” wika ni Misis Samira na ikinangiting tumango ni Sabel rito. “Balak niya pong kunin akong secretarya niya pero tumanggi ako. Masaya po ako sa pagiging guro,” sagot niya na ikinayakap sa kanya ng ina nito. “Dahil ba kay Gilbert, anak? Alam kong iniiwasan mo rin si Joaquin, mabait siya at napaka maalaga rin. Minsan ba hindi ka nagkagusto sa kanya?’’ nakangiting pagbirong sabi ng mama nito. “Mama, hindi po. Mabait po siya, pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya. At alam niya po iyon,” “Tanggap ba niya?” pag-usisa ng kanyang mama na ikinatahimik niya. Bigla niyang naalala ang ginawa ni Joaquin kamakailan lang, tila gusto niyang malusaw sa hiya. Kinabahan tuloy siya na hindi niya mawari. “Silence means, no. Siyanga! Tulungan mo na lang ako maghain. Tawagan mo rin si Mr. Sebastian. . .imbitahan mo siyang kumain dito sa bahay,” tugon nito na ikinangiti na lamang ng dalaga. Sinundan niya lamang ng mata ang paalis na ina. Panay buga niya nang hangin at hindi na niya mawari ang pagwawala ng kanyang puso na animo'y magkakasakit na siya sa puso dahil sa pagkabog nito nang mabilis. Tumungo siya sa labas para magpahangin hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone na ikinatigil niya at nang tignan niya ito ay un-registered number ang naka-rehistro roon. Bahagyang kumunot-noo niya bago sinagutan ang tumawag. “Hello,” pagsagot niya. Ilang sandaling katahimikan ang namayani ngunit, hindi nagsalita ang tumawag kung kaya't nainis siyang bigla at sumimangot ang kanyang magandang mukha. “Hello, are you still there? Anong kailangan mo?” sunod-sunod niyang tanong pero ganoon pa rin, hindi pa rin nagsasalita ang katawagan. Ibaba na sana niya ang tawag nang tumikhim ang tumawag mula sa kabilang linya na ikinatakip niya sa bibig. “I love you,” a familiar voice said. Literal siyang napanganga at hindi niya mapigilan ang hindi mapahikbi. Her eyes swalowed by tears and won't stop to fall. “Gil. . .” umiiyak niyang sambit. “I love you, sweety. . .I'm going home. I badly missed you Sabel,” Gilbert husky voice said. Nababakas sa mga boses ang pananabik sa bawat isa’t isa. Natatawang naiiyak na pinunasan ni Sabel ang mata kahit na gusto niyang mapahagulgol nang iyak. “I know, and I love you more, Gil. Miss na miss na miss, sobrang miss kita.” Hindi mapigilang naisaad ni Sabel na ikinatawa ng binata. His chuckled is so sexy that's why Sabel bitten her lowerlip. “Nasaan kana?” naitanong ni Sabel. “Staring at you. . .” tipid at tanging sagot sa kanya ni Gilbert na ikinaangat ng kanyang mukha at agad na iginala sa paligid ang mata hanggang sa dumapo at sumentro ang kanyang mga mata sa isang lalaking naka suot ng oversize black coat na may nakakaakit na ngiting kumakaway sa kanya. “See me sweety,” boses ni Gilbert mula sa kabilang linya na ikinatango-tango ni Sabel habang naiiyak na naman. SAMANTALA, halos masugatan ni Sofie ang sariling kamao dahil sa pagkakuyom nito. Galit niyang sinundan ng mata ang nakatayong si Sabel sa tabi nang gate ng bahay nila. Matapos niya kasing sunduin si Gilbert sa airport ay nagpasya itong huwag tawagan si Sabel at h’wag niyang ipapaalam na de-deretso ito sa kanilang bahay. Humigpit ang pagkahawak niya sa manibela nang kotse niya at galit na binuhay ang makina nang kanyang sasakyan. “Hindi kita hahayaang sumaya, hindi mo man lang makita ang halaga ko Gil. Why such an unfair! That damn girl, dapat lang na mawala. Argh! Bullshit!” mahina ngunit nagwawala niyang asik sa loob nang sasakyan. Tumunog ang kanyang cellphone ngunit hindi niya iyon binigyan nang pansin. Bagkos ay diniinan niya ang pagkatapak sa Selator. Humigpit ang kapit niya sa manibela at pikit mata niya itong pinatakbo saka nagmulat ng mata nang maramdaman niyang may nabangga siya ngunit, ganun na lang ang panlalamig niya nang makita niya si Gilbert at kung paano ito tumilapon. *** Hindi kaagad nakapagpaalam si Sabel at kaagaran itong lumabas ng bahay upang salubungin si Gilbert sa may kabilang kanto. Puno nang pananabik at saya ang mababakas sa mukha niya nang masilayan niya ang gwapong mukha ng kanyang nobyo. Ngunit, kaagad siyang napalingon sa unahan niya't naiharang ang kaniyang kanang braso mula sa nakakasilaw na ilaw sa paparating na sasakyan. Nanlaki bigla ang kanyang mga mata at hindi niya maigalaw ang kanyang sarili para umalis. Ang malakas na tinig ni Gilbert ang pumukaw sa lumalakbay niyang isipan. Kalaunan ay naramdam niya ang mga brasong tumulak sa kanya kung kaya't naramdaman niya ang pagbagsak ng kanyang katawan kasabay niyon ay tila pagkatilapon ng kung sino dahil sa lakas na paghinto nang sasakyan. Umiikot ang paningin ni Sabel, dumaloy ang mainit na likido sa kanyang noo. Naramdam niya iyon kung kaya't hinipo niya at tinitigan. Nagsimulang manlabo ang kanyang paningin ngunit, mas pinili niyang tumayo para hanapin si Gilbert. “G-gil. . .G-gilbert, n-nasaan ka?” namimilipit at hinang-hina ang boses niyang sambit. Dahil sa boses na narinig niya ay pinilit niyang tumayo kahit mahina ang kanyang katawan. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon ngunit kailangan niyang tiyaking maayos lang si Gilbert. Tama! Maayos lang si Gilbert at walang nangyaring masama rito. Ngunit, paglingon niya ay tumambad sa kanyang tabi ang duguang binata. Nakadapa ito at puno nang dugo. Bigla siyang napasigaw, nataranta at umiyak. Hindi niya malaman ang gagawin hanggang sa bumukas ang pintuan ng gate at nagsisigaw na humingi ng saklolo ang kanyang mama. Duguan ang damit ni Sabel nang itinakbo nila sa pinakamalapit na hospital si Gilbert. Kaagad naisinugod sa ICU ang binata at nilapatan nang kaagarang panlunas at mapahinto ang pagdurugo ng ulo nito. Nanginginig sa takot si Sabel at naiiyak na yumakap sa ina. Sugatan ang kanyang noo at may pasa at galos ang kanyang siko at pisngi ngunit wala nang mas sasakit pa sa nakita niyang nangyari kay Gilbert. Para na siyang mababaliw sa kakaisip kung kaya’t mahigpit siyang niyakap ng kanyang ina at inaalo upang pakalmahin. “Shh! Tahan na, Isabel. Maliligtas si Gilbert, tiwala ka lang, anak.” Wika nito ngunit hindi niya magawang pakalmahin ang kanyang sarili. “Ma, ayokong mawala sa akin si Gil. Natatakot akong mawala siya sa ’kin,” umiiyak niyang sabi na ikinayakap muli ng kanyang ina sa kanya at maging ito rin ay napaluha na. “I know, tama na. . . mabubuhay siya, Isabel. Hindi ka maiiwan ni Gilbert,” naluluhang saad nito. “But, for now. Kailangan mo rin magpagamot, you need to be strong, Isabel.” Dugtong ni Misis Samira. MAKALIPAS ang halos kinse-minuto ay lumabas mula sa Operating Room ang isang doctor. Kaagad na napatayo si Isabel at sinalubong ito. “Doc! How is he?” naluluhang tanong ni Sabel. The Doctor sigh and takes off his surgical mask. “The patient is unstable. He need to undergo a blood donor, Miss. Maraming dugo ang nawala sa kanya,” derektang sagot sa kanya ng doctor. Naitakip niya sa bibig ang palad at naiiyak na naman. Bigla siyang nanghina at mabuti na lamang ay nakaalalay sa kanya ang kanyang ina. “Diyos ko!” naisambit niya at humikbi sa bisig ng kanyang ina. “Are you related to him? If you are, dapat na siyang maabunohan nang dugo. He need to wake in 4 hours. Dahil kapag hindi, he will be in commatose,” wika ng doktor na ikinayuko niya. Pareho silang natigilan nang makita nila ang paglapit ng isang lalaki. Magkahawig sila ni Gilbert, natatabunan ng puti ang ibang kulay itim nitong mga buhok at nasa mid of 50’s na ito. “I am his father. I’m Ramon Gustav, Doctor. I’ll be his blood donor,” pagpresenta ni Mang Ramon na ikinayakap rito ni Isabel at humingi nang tawad. “Shh! Its okay. Hindi mo kasalanan ang nagyari, hija.” Papapatahan sa kanya ng matanda. Tinawagan niya ito kanina at mabuti na lamang ay agad na sumagot. “Sumunod ka sa ‘kin, Mr. Gustav,” sambit ng doktor na ikinasunod ng huli. Gal and Freya was on their way to the hospital at nag-aalala ang mga ito sa kapatid. Alam ni Freya ang balak ni Gilbert na surpresahin si Sabel sa biglang pag-uwi nito. Naroon ang sobrang lungkot niya para sa dalawa kung kaya’t kinapa ni Gal ang kanyang kamay upang hawakan ito at pisilin. “Don’t worry, honey. Alam kong malakas si Gilbert, and Sabel need to be strong for Gil. Isinandal na lamang ni Freya ang ulo sa balikat ng kanyang asawa. Nag-aalala siya kay Sabel dahil mahabang taon na rin ang kanyang tiniis para hintayin si Gilbert. Kagat-kagat ni Sofie ang kanyang kuko sa daliri at hinayaang mabasa ang buong katawan, ang maskara nito ay kumalat sa buong mukha niya dahil sa kanyang pag-iyak. Naiwan sa kamay niya ang dugo ni Gilbert nang matitigan niya iyon dahilan nang sobrang takot niya at panginginig nang katawan. Balak niyang sagipin ang binata pero may biglang dumating kung kaya’t mabilis niyang nilisan ang lugar na iyon. Muli siyang napahagulhol nang iyak dahil nakita niya kung paano nahirapan si Gilbert at paano siya nito tignan. Alam niyang nakita siya ni Gilbert. Bigla siyang nagwala at panay sabunot niya sa kanyang buhok. “No! No! He’s not, I’m sorry Gil. I’m so sorry, please. . . come back to life, si Sabel dapat!” umiiyak niyang sigaw at halos masugat ang kamay niya dahil sa pagkuyom niya sa kanyang kamao. Si Sabel ang balak nitong sagasaan pero bakit si Gilbert pa. Mabaliw-baliw niyang inalala ang nagawa niya at bigla-bigla siyang nagsisigaw habang umiiyak at sising-sisi. “Oh my God! Oh my God. Please, I'm so sorry, I'm sorry Gilbert. Patawarin mo ako,” umiiyak niyang sambit at mula sa pagka-upo ay agad siyang tumayo saka sinabon ang damit at ang kanyang kamay na nabahiran nang dugo ni Gilbert. She freaking out crying and sorry. HANGGANG sa magkasunod-sunod na katok mula sa nakasarang pintuan nag kanyang banyo ang nagpatigil sa kanya. Nang pakinggan niya iyon ay boses ni Shantal kung kaya't mabilis niya itong pinagbuksan nang pinto at yumakap kaagad rito habang umiiyak. “Oh my Goodness, Sofia. What did you do? Bakit may dugo sa mga kamay mo?” nahihintakutang tanong ni Shantal matapos makita ang dugo sa kamay ng kaibagan maging sa damit nito. “Shan, I-I hit Gil. N-nabangga ko si Gilbert, Shantal,” nangangatal ang boses sumbong ni Sofie at muling umiyak. Gulat na napatakip sa bibig nito si Shantal at hindi makapaniwala. “Please, help me to get out. Ayaw kong makulong Shan, si Sabel. . .siya dapat ang sagasaan ko, but that b***h is a freak! Si Gilbert, siya tuloy ang nabundol ko,” napaluhod niyang hikbi at umiyak nang malakas. Pumantay rito si Shantal dahil nakaramdam nang awa sa kaibigan. She comfort her, na kahit alam niyang mali ang ginagawa ng kaibigan ay hinayaan niya ito. “Get up! I will help you, Sofie. Kaya tahan na,” saad niya na ikinatango ni Sofie at humikbi sa balikat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD