Chapter 7

1706 Words
CLAUDE'S POV Patuloy pa rin kami sa pagtakbo pero biglang natumba si Scarlet kaya dinaluhan ko sya para tumayo. But the thing is, death that has been chasing us was already near-- the darkness. Nahihirapan pa ring tumayo si Scarlet kaya ginawa ko ang lahat para maitayo sya pero may kung anong pwersa ang pumipigil sa kanya para maka-alis sa kinalalagyan nya. Hindi ko sya maitayo at mas lalong hindi ko sya mabuhat hanggang sa pinatakbo na lang nya ako para iligtas ang sarili. "Claude, umalis ka na, iligtas mo ang sarili mo, hayaan mo na ako" sabi nya na nagmamakaawa nope scratch it, it was an order para lang umalis ako. I shook my head in disbelief. Hibang ba sya? "No, hindi ako papayag. Hindi kita hahayaan mag isa. Kaya tara na, help me to pull you up para makaalis na tayo dito" hindi ko sya pwedeng iwan dito. Hindi kaya ng konsensya ko na iwanan sya sa ganitong pagkakataon, masyadong mapanganib. "Please umalis ka na, iligtas mo ang sarili mo" nagsusumamo nyang saad kahit walang emosyon ang maganda nyang mukha. "Hindi! Dito lang ako. Ako naman ang habol nyan eh, kaya hindi ako papayag na iwan ka rito" matigas kong sambit. She sighed. Suko na sya at wala ng magagawa pa. Napatitig na naman ako sa kanya pero ng mapansin ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa ay halos hindi ako huminga, bumibilis ang t***k ng puso ko at hindi ko alam kung naririnig nya ang t***k nun. At mas lalong nahigit ko ang hininga nang hinila nya ako palapit sa kanya hanggang sa magdikit ang katawan namin sabay yakap sa akin ng mahigpit. 'f**k! f**k! f**k! di yata ang kamatayan na humahabol sa akin ang magiging sanhi ng pagkamatay ko eh, kung hindi itong mga ginagawa nya. Sh!t this is not good" napa iling nalang ako mentally. "Close your eyes Claude" she whispered "Huh, teka teka bakit" naguluhan naman ako sa kanya. "Shh, just close your eyes" she hissed. So I did. I closed my eyes, naramdaman kong masyado ng malapit ang humahabol sa amin, ang kadiliman na may kasamang masamang hangin. Nakakapangilabot na hangin at dilim na hindi mo gugustuhing makita at maharap pero heto, hinahabol ako at ngayon may nadamay pa. Maya maya ay may naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa mga labi ko kasabay ng pagkahulog ko sa dilim. Again I was there in the dark, eternal darkness. Hindi ko alam kung saan ako basta ang alam ko ay madilim ang paligid at wala akong makita. Ni hindi ko mahagilap si Scarlet na kasa-kasama ko kani-kanina lang. 'f**k where the hell are you Scarlet' anang isip ko. Nag alalala ako sa kanya pero hindi ko din naman magawang maka-alis sa walang katapusang dilim na ito. Sana okay lang sya. Sana. "Claude" anang isang boses. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses na iyon pero sigurado ako na pag-aari iyon ni Scarlet. It's her voice, malamig pero masuyo "Scarlet asan ka?" I called her "Claude" muling pagtawag nya. Sinubukan kong humakbang baka sakaling makita ko sya sa unahan pero wala talaga. Pawang kadiliman ang nakikita ko. Halos tumakbo na ako sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko pero wala pa din akong makita. Nangangapa ako sa dilim. Hanggang sa may nahawakan akong pintuan kaya pinihit ko ito, and there I found her standing, calling my name, sinundan ko sya pero bigla na lang syang nawala. Naglakad pa ako baka sakaling maabutan ko pa sya sa unahan hanggang sa may nakita akong liwanag. Nakakasilaw na liwanag na sobrang sakit sa mata kaya napapikit ako. Nang idilat ko ang mga mata ay iba na ang paligid. Maliwanag at buhay na buhay. Inilibot ko ang paningin and there I found her lying on top of me. Oo nakahiga kami sa damuhan habang ang mga kamay ko ay nakahawak sa bewang nya, nasa bandang dibdib ko ang ulo nya na nakasubsob habang ang mga kamay ay nakapatong sa balikat ko. Hindi ko alam kung papaanong naging ganito ang posisyon namin samantalang nakaluhod ako kanina tapos sya nakasalampak sa damuhan. Teka nasan na yung humahabol sa amin? Ang dami kong katanungan na alam kong wala din namang makakasagot. Pero bat nga ba ganito ang posisyon namin? Argghhh nag-iinit ako sa pumapasok sa utak ko. Shet kailangan kong mahimasmasan. Ginising ko na si Scarlet kasi iba na ang pakiramdam ko. Attracted ako sa kanya kaya normal lang itong nararamdaman ko. Pero kapag nagpatuloy pa to baka hindi ko na kayanin. "Scar" tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ng kaunti ang balikat nya. Unti unti naman nyang minulat ang mga mata pero ang ipinagtaka ko, ni hindi man lang sya nagulat sa posisyon naming dalawa. She roll her body beside me then close her eyes again. Fvck seriously? I'm already hard as rock there tapos pipikit lang sya sa tabi ko. Argghhh. Muli namang bumalik sa isip ko ang nangyari bago ako mapunta sa dilim. I felt something soft hovering my lips. 'Di kaya??' Ipinilig ko ang ulo ko. Nope you're just overthinking Claude. Bakit naman nya gagawin yon aber? I took a glance of her, she's at peace. Her angelic face was defined yun lang wag lang sya gumising kasi nakakatakot sya pag gising. Ibinalik ko ang tingin sa paligid, madilim na which definitely means gabi na. Pero yung kasama ko dito parang ang hirap gisingin, mapayapa ang mukha na parang hindi dumaan sa nakakatakot na pangyayari kanina, para bang hindi man lang dumanas ng habulan ng buhay at kamatayan. I look at her intently, trying to memorize every detail of her face, every inch of her very beautiful face. Then my eyes settled at her lips, damn parang ang sarap halikan. "Hooohhh, mag hunos-dili ka Claude, baka paggising nya itapon ka na nya sa Antarctica. Baka nakakalimutan mo rin na sya ang anak ng may ari ng skwelahan na pinapasukan mo, isa rin syang tagapagmana ng Crimson Empire, kaya hindi. Hindi pwede" pagkumbinsi ko sa sarili. But damn her lips... oohhh s**t. It's damn inviting, so to feed up my curiosity I lean in and gently place a kiss on her lips. Damn just like what I imagined her lips were soft, and hell ito yung malambot na bagay na dumampi sa mga labi ko kanina was definitely her lips. I mentally smirked. 'Hmmm, mukhang hindi lang ako ang may pagnanasa ah, I never knew she would let her lips touch mine' My lips still hovering her when she moved her lips against mine. Damn is she kissing me back? Nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo nya ang mga kamay ko habang hinahalikan sya ng marahan. And hell yeah fvckers, she's kissing me back. Habol ang hininga ko nang bumitaw kami, Scarlet slowly opened her eyes panting slightly tapos tumitig sa akin. I gulped as I see her emotionless eyes, namumungay ang mga mata nyang malamig at walang ka-emo-emosyon but there's something in there, damdaming hindi ko magawang pangalanan pagkatapos ay bumalik sa dati. Napaupo ako tabi nya, kinakabahan baka magalit sya. 'But she did kiss me back right?' "What are you thinking" she asked coldly sending chills and shivers to my whole system. I can't think straight. What should i say? "Just forget about it" pagpapatuloy pa nya Napa-pantastikuhang napatingin ako sa kanya. So ganun na lang yun? Gusto ko magreklamo pero wala akong lakas, ang lamig ng boses nya tapos ganun din ang mga titig nya. Napatango nalang ako kahit pa gustong gusto kong umangal. Pero para saan pa, ako lang naman itong mag nararamdaman, siguro nadala lang sya kanina. Naramdaman kong may konting kurot sa isiping iyon pero bahala na. "Hmm tara na, uwi na tayo gabi na eh" sabi ko habang pinipilit na huwag mautal. Tumango lang sya at bumangon sa pagkakahiga, inabot ko sa kanya ang kamay para tulungan s'yang tumayo pero ganun na lamang ang pagkabigla ko ng muntik s'yang mapasalampak ulit dahil sa panghihina. Nanghihina ang katawan nya kaya hinapit ko sya at binuhat ng pa-bridal style. Nabigla naman sya at bahagya pang nanlaki ang mga mata pero hindi naman na sya nagreklamo pa, marahil ay alam nya naman sa sarili nya na hindi nya kayang tumayo, mas lalong hindi nya kayang maglakad. Sya na ang nag open ng phone nya at nag open ng torch para may ilaw kami sa daan. "Uhm, saan nga pala kita ihahatid?" I asked her to break the silence. "Let me stay in your place for a night, bukas na ako uuwi sa amin" she replied making me almost lost my breath. Seryoso ba sya? Magtatanong pa sana ako pero inunahan nya na ako magsalita. "Don't ask, its getting late" she said as if it would answer my query. Pero sabagay malapit ng lumalim ang gabi, kaya kung ihahatid ko sya sa kanila ay siguradong gagabihin este ay basta masyadong mapanganib pag malalim na ang gabi. Andito kami ngayon sa bahay namin, oo bahay hindi na ako pumupunta pa sa dormitoryo kasi ayokong mapahamak ang ibang estudyante dahil sa akin kaya minabuti ko nang umuwi dito sa tahanan namin ng mga kumupkop sa akin. "Kung gusto mong maligo o maghilamos dun ka na sa kwarto ko may cr dun sa loob para di ka na mahirapan pa" i told her na tinanguan nya din naman. Kasi mahirap na pag dito pa sya sa cr na katabi nitong kusina edi baka maglakad sya ng nakatuwalya lang, naku naku naku baka katapusan ko na kung ganun. Maya maya pa ay nanatili parin sya sa kinatatayuan nya. Nagtaka naman ako. "Uhm, I don't know where's your room" napakamot naman ako sa batok. 'Oo nga naman Claude, paano nya ba malalaman kung saan papunta eh hindi naman sya yung may ari ng bahay? Hindi mo din sinabi kung saan ang kwarto mong tang*na ka' "Uhmm halika" then i guided her towards my room. Naglalakad lakad ako sa living room habang iniisip kung paano ko papalipasin ang gabi ng kasama ang babaeng gusto ko. Oo na inaamin ko na gusto ko sya, syempre namukbang ko pa nga eh diba. Tss. Napailing na lang ako sa naisip. Ilang lakad balik pa ang nagawa ko bago tumigil ng may pumasok sa isip ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD