Claude's POV
Nasa school na ako ngayon at nag aantay ng first subject namin. Medyo mahaba haba na ang oras ng pag stay ko sa bench na kinauupuan ko ngayon, siguro mga isang oras na din pero di ko parin makalimutan ang nangyari kanina. Di ko magawang alisin sa isip ko kung paanong napunta ako sa ibang dimensyon, kung sino ang babaeng nagligtas sa akin.. oo babae sya, base sa boses nya babae sya.
"You're safe now"
"You're safe now"
"You're safe now"
"You're safe now"
"You're safe now"
"You're safe now"
"You're safe now"
Yan ang paulit ulit na nakarehistro sa utak ko. Palagi kong naririnig ang boses nya. Ang lamig pero mayumi. It was cold but soft ang gentle 'char in-english ko lang pala'
Naalala ko tuloy yung nagligtas sakin nung bata pa ako. Oo nawalan ako ng malay nun pero bago pa ako tuluyang mahila ng antok naramdaman kong may nagkuha sa akin, pagkatapos may ibinulong syang di ko na maalala kasi di ko din maintindihan. Ewan ko ba. Basta ganun ang hirap i-explain
"Dude" someone called me out pero di ko ito pinansin kasi pre-occupied yung utak ko sa nangyari
"Hey dude" he snapped his fingers pero hinayaan ko lang
"Fvck dude, earth to Claude, Claude back to Earth" tapos niyugyog na ako. Naasar ako kasi kanina pa sya istorbo ng istorbo sa pag iisip ko eh. Inis kong nilingon ang kung sino mang poncio pilatong yun pero mukha ni Ace ang bumungad sa akin with his worried look.
"Oh" yun lang naisatinig ko. Irritation was plastered on his face na para bang napaka-imposible ng sagot ko.
"Oh lang? Gago ka talaga dude" inis na sabi nito sabay batok sa akin.
"Eh ano gusto mo? Hi Ace buddy kumusta na? Oh di ba parang mas weird yun?" I chuckled with his annoyed look
"Gago, kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang dyan" asar pa rin na sagot nya
"Any problem?"
"Ahh wala yun, tara pasok na tayo sa room" sagot ko na lang para iwasan ang mga tanong nya.
"Okay" nagkibit balikat lang din sya sabay lakad papasok sa classroom.
SOMEONE'S POV
Asar na asar pa din ako kay Hell. Bakit ba kasi napaka pakialamera nya? Kung hindi sya sumulpot ay malamang patay na sana yung lalaki kanina. Yun na dapat eh, papatayin na sya nina Lucifer at Satan pero hindi natuloy kasi bigla na lang dumating sya at kinuha ang lalaki tapos dinala sa kung saan na hindi kayang abutin ng kapangyarihan ko. Bwes!t na yan. Kaninang umaga mamamatay na dapat ang binatang Frost pero ni Hell.
"Arrggghh" i let out my anger and frustration towards Hell.
"Hey my little princess, what happened?" tanong sa akin ni dad na ngayon ay nag-aalala kasama nya ngayon si mom
"What is it my baby?" mom asked
I let out a heavy sigh saka tumingin sa kanila.
"Kaninang madaling araw muntik ng mamatay ang tanging taong nakaligtas noon" pagsisimula ko
"And then? Di ba dapat ay masaya ka kasi may gustong gusto s'yang patayin maliban sa atin?" dad asked
"Nope dad, di mo naiintindihan" i answered na mas lalong nagpalito sa kanila
"Enlighten me baby, kasi di ko maintindihan eh, tell me para naman maintindihan ko ang inis mo"
"Kanina mapapatay na dapat sya nina Lucifer at Satan pero biglang dumating si Hell at iniligtas sya" i told them which made them shock. Of course sino ba ang hindi mabibigla Hell never do such things on her own, she never meddle with someone else's business. At mas lalong hindi nya ugali ang magligtas ng papatayin kasi gustong gusto nya din iyon.
"The Fvck! H-Hell did what? She saved that man? The one she saved before? Sh!t it was the second time na iniligtas nya ang lalaking iyon. Is there something between them?"
I was stunned by my dad's words. May something ba sa kanila? Well i also didn't know. So i just shrugged my shoulders to show i don't know
"Mukhang may nabubuong damdamin si Hell, mukhang natututo na sya ng mga dapat maramdaman ng tao" mahinang bulong ni mom that made our mouth open.
"W-What? N-No, No! Nooo " I shouted in horror. No hindi pwede to. Hindi sya pwedeng magkaroon ng damdamin kundi tapos kaming lahat. Kilala namin si Hell, pag iniingatan nya ang isang tao o bagay gagawin nya ang lahat lahat para mapanatili itong ligtas. At kung sakali mang may susubok na ilagay ito sa panganib ay malalagot sa kanya at walang makakapag-pigil sa kanya kahit na sino pa.
"Hindi pwede to, hindi sya pwedeng magkaroon ng damdamin kundi katapusan na natin" hysterical na saad naman ni dad. Of course who wouldn't be, Hell had been our shield from any forms danger. She's our own kind of armour.
"But we can stop it by killing that boy first" mom suggested. Yep tama si mom, dapat mamatay na ang lalaking iyon para di na sya maging dahilan ng pagkagulo ng damdamin ni Hell. Hindi sya pwedeng makaramdam. Hindi pwede. Hindi.
"I guess I can handle it. Give it to me dad" i suggested while grinning like a winner. Who wouldn't? It would be a win-win situation. We can finally get rid off that lucky person and we can have Hell go follow everything we would say. Sya lang naman ang rason kung bakit umiiba ang takbo ng utak ni Hell. Hell would love to kill people, she loves to see them suffering, screaming in too much pain, she would love to kill them mercilessly but because of that unknown growing feelings that Hell have for him, she changed. She actually would gladly saved him from danger.
"But baby i wont let you, hayaan mo na ang mga alagad natin ang gumawa n'yan. Mapapahamak ka pa kung mabulilyaso man, mapapahamak tayong lahat. Masyadong mahalaga ang bagay na ito kaya hindi mo pwedeng gawin ang misyong ito. Ang gawin mo lang ay ipagpatuloy ang pagmamanman sa kay Hell at dun sa lalaki"
I grinned.
"Of course dad, it would be a piece of cake for me" I understand his point.
"Masyadong matalino si Hell para di malaman na ikaw ang gumawa ng ikapapahamak ng lalaki, alam nya ang amoy mo, ang kilos mo at lahat lahat sayo pag inatake mo ang lalaking iyon" mom continued.
Well she's right. Arghhh bat ba nakikialam ka pa Hell? Bwesit ka! Gusto ko na ako na ang papatay sa lalaking yun pero hindi pwede kasi bantay sarado niya. Arghhh.
Pero kahit na anong mangyari, sisiguraduhin ko na mawawala ka sa landas namin Lexhander Claude Frost para wala ka nang hadlang pa sa amin, para malaya na kaming pakinabangan si Hell. Hahahahaha hahahaha
CLAUDE'S POV
Pauwi na ako sa bahay ng mapansin kong may pares ng mga matang nakamasid sa akin. Kanina ko pa nararamdaman to sa totoo lang pero binalewala ko lang kasi baka kung ano lang. Not until I noticed it becoming creepier. Naninindig na ang balahibo ko na hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako. Hindi kaya si Satanas at Lucifer na naman to? Hanggang kelan ba nila ako tatantanan? O talagang gusto nila akong mapatay?
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero mas maingat na baka mamaya bigla nalang akong dalhin sa kung saan namang dimensyon buti na lang siguro kung may darating ulit para sagipin ako kung wala edi mukhang goodbye Earth na ako nito.
"Lexhander Claude" tawag ng kung sino na s'yang nagpagulat sa akin. Agad kong nilingon ang kung sino man ang tumawag and to my surprise it was Scarlet with her dagger looks. D*mn this woman di nya ba alam na mas nakakadagdag sya sa takot ko?
"Oh sorry, nabigla yata kita" sabi nya habang matiim na nakatitig sa mukha ko. Nababasa nya kaya ang gulat at takot sa mukha ko? D*mn baka ma-turn off sya sa'kin. Huh? Teka ano na naman yan Lexhander Claude ha? Tigil tigilan mo yan hindi healthy sayo yan.
"Ahm yeah, its okay medyo lang naman eh haha" parang tangang sagot ko na lang
She just chuckled. Then that's it I am now losing my mind just hearing her chuckle. Buset naman oh para kang bakla self.
"Hmmm" she hummed
"E-Eh u-uhm, p-pauwi ka na ba?" parang gusto kong batukan ang sarili sa pagkaka-utal. Sh*t
"Nope, maya na" she said while looking at some direction.
"Eh ikaw?" she asked kasabay ng biglang paglingon nya na s'yang nagpalunok sa akin.
Halos gahibla na lang ang distansya ng mga mukha namin. Napatitig ako sa maganda n'yang mukha. She's indeed the prettiest and most gorgeous girl I've ever seen, with her deep tantalizing eyes making me lose my mind. I am lost in the depth of those beautiful oceanic blue eyes screaming for power and authority. I am drown to her beautiful eyes na hindi ko na alam kung papaano umahon. The intensity of her stares were like daggers piercing every vital organs of me making me breathless, she stares as if she looking into the deepest depth of my soul sinusuot and bawat himaymay ng kalamnan at buto-buto ko.
Masyado na akong nalulunod sa mga tingin nya na hindi ko napansing biglang dumilim ang paligid kasabay ng pag-ihip ng masamang hangin. Namalayan ko nalang na bigla akong hinila ni Scarlet tapos tumakbo ng mabilis. Doon ko napagtanto na hinahabol na naman ako ng kamatayan, kamatayang palagi kong nalulusutan pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatakasan. Tumakbo kami sa kung saan man kami dalhin ng mga paa namin