Chapter 3

1869 Words
Her POV "Mag-iingat ka do'n, huh? Wag mong hahayaan na apihin ka na lang ng kung sinu-sino lalo na ng mga mayayaman na nanro'n. Sila, naro'n dahil sa pera nila, ikaw dahil sa talino! Kaya h'wag kang papayag dahil lamang ka sa kanila." Hindi ko mapigilang mapangiti habang paulit-ulit na pinapaalalahanan ako ni Tita. Hinahaplos niya ang buhok ko saka inakbayan. "Tapos h'wag kang mahihiya kumain! Libre naman, 'di ba? Basta, h'wag na h'wag papabayaan ang sarili. Iwasan mong magkasakit, mahirap pa naman kapag ikaw ay nagkakasakit. Hindi kita maaalagaan. 'Yung ibinigay kong cellphone, para may communication tayo," dagdag pa niya. Tumango ako saka niyakap siya nang mahigpit. Narinig ko ang mahina niyang hikbi kaya hindi ko napigilang maiyak. Sobra-sobrang lungkot ang nararamdaman ko. Dahil mahihiwalay na ako sa pamilya ko. "Ano ba yan! Nagdrama pa tayo. O siya—Wow! 'Yan ba ang sundo mo?" Pinalis ko ang mga kumawalang luha at tumingin sa sasakyang tumigil sa harap namin. Sandali akong natulala habang pinagmamasdan ang bahagya pang kumikislap dahil sa pagtama ng araw na kotse. I immediately close my mouth as I stare on the luxurious car. Napatingin ako kay Tita na katulad sa akin ay namangha rin. May dalawang lalaki na naka-suit ang lumabas. Bahagya itong yumuko sa harap ko bago kinuha ang dala kong dalawang malaking bag. Nilagay nila ito sa compartment at muling bumalik sa harap ko. Unti-unting napawi ang nararamdaman kong paghanga nang maalala na aalis na nga ako. "Tita.." pumiyok ako. Namula ang ilong ni Tita saka suminghot. Mariin siyang pumikit at muli akong niyakap ng mahigpit. She kissed me on my forehead and murmured. "Ingat ka ro'n. Mamimiss ka namin. Mahal kita." Pinigil kong umiyak at tumango. Humiwalay ako sa kan'ya at muli siyang pinagmasdan. "Para sa atin 'to Tita," bulong ko. Tumango muli siya. Lumagpas ang tingin ko sa likod ni Tita at do'n nakita si Tito na malungkot ang mukha. Naka-karga sa kan'ya si Ella na umiiyak. Nang makita na nakatingin ako sa kan'ya ay binaon niya ang mukha sa leeg ng kan'yang ama. Alam kong nagtatampo siya dahil sa pag-alis ko. Pero kailangan kong mag-aral. Hindi gano'n kadali ang mag-apply ng scholarship. At full scholarship pa ang ini-offer sa akin. Ang mga offer nila ay hindi madaling makuha. So why not grab the opportunity? Kahit ang kapalit nito ay malayo sa pamilya. Pero okay lang. Kakayanin ko. Tsaka magkikita rin naman ulit kami. "It's already time, Lady Agape," saad ng isa sa naka-suit. Kapansin-pansin ang isang gintong bagay sa kan'yang dibdib. Nakadikit ito sa ibabaw ng kan'yang suit. It's a shield, at may tila espadang naka-patong dito. Sa may bandang baba ay isang rectangular plate kung saan nakalagay ang salitang 'Angst Academy'. Nasa isalim nito ang kan'yang pangalan. Ethan Salazar. That's must be the logo of their school. "Aalis na po ako Tita. Mag-ingat din po kayo. Mahal ko kayo," pagpaalam ko. Malungkot siyang tumango. Bumaling ako sa bandang likod niya at kinawayan sila Tito at Ella. Mapait akong ngumiti nang hindi ako pinansin ng pinsan kong si Ella. Lilipas rin iyan at mapapatawad niya ako. Pinagbuksan nila ako ng pinto ng kotse. Sa huling pagkakataon ay kumaway ako. Hanggang sa unti-unti nang sumara ang pinto. I refuse to look at them from here, dahil baka umatras lamang ako. Bakit kasi boarding school ang Angst Academy? Ibig sabihin ay mananatili ako do'n nang matagal na panahon. The man on suit started the engine. At unti-unti nang umandar ang sasakyan. At pumaharurot palayo, palayo sa kanila. I know, hindi magiging madali ang pag-aaral ko ro'n. I'm expecting na magiging kumpulan ulit ako ng bullying. Tapos, uutos-utusan ng mga bratinella. Mabuti na lang at hindi ako binubully ng mga lalaki. Well, minsan napagti-tripan. Pero minsan lang dahil ako mismo ang lumalayo kapag nakakakita ng kumpol ng mga lalaki sa isang dako. Bumaling ako sa labas at binusog na lamang ang sarili sa pagmamasid. Napaka-tahimik dito sa loob ng kotse. Na halos munting kilos ay maririnig na. "Are you hungry, Lady Agape?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang magsalita ang isa sa naka-suit na si Ethan. Diretso lamang ang tingin nito sa harap. Tipid akong ngumiti at umiling. "Hindi po," sagot ko nang mapagtantong maaaring hindi niya makita ang pag-iling ko. Tumango sya. "Nagsundo rin po ba kayo ng ibang scholar?" Tanong ko. "Hindi po,"sagot niya. Kumunot ang noo ko at magtatanong pa sana ngunit tila pinapakita ng kan'yang ekspresyon na hindi na siya sasagot. Tumango na lamang ako at muling bumaling sa labas. Umupo ako nang tuwid at tumingin sa bandang likod. Mula sa bintana, nakita ko ang mga sasakyan. Muli akong nagtakha nang makitang kahawig nito ang sinasakyan ko. Sa tingin ko ay tatlong mga sasakyan ito na naka-buntot sa sinasasakyan namin. Muli akong bumaling sa harap at pinagmasdan sila. Wala naman silang reaksyon. I shrugged. Maybe, just a coincidence na pareho. Alangan binabantayan nila kami. Lumipas ang isang oras ngunit sabi ni Ethan ay malayo pa kami. I sighed and rested my back on my seat. I closed my eyes nang maisip na baka matagal pa nga ang byahe. Alam ko ang tungkol sa Academy na papasukan ko. But I just know that it exists. Walang detalye na nilalabas ukol sa paaralang iyon. Nalaman ko nga na boarding school lang 'yon nang sinabi ng principal ng BU. Hindi ko rin alam kung saan ang eksaktong lokasyon no'n. Unti-unti nang hinila ang diwa ko hanggang sa mahulog ako sa malalim na tulog. Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang kaunting init. Pagmulat ko ng mata ay gumagalaw pa rin ang sasakyan. Kahit heavily tinted ay medyo tumagos pa rin ang init mula sa labas. Umupo ako nang tuwid. Bahagyang napalingon ang dalawa sa akin. Nabigla ako nang abutan ako ni Ethan ng sandwich at isang bottled juice. "Ala-una na ng hapon, Lady Agape. Sigurado akong gutom ka na," aniya. Maagap ko iyong tinanggap. "Salamat po," tugon ko. Pag-bukas ko ng tissue, nalanghap ko ang mabangong palaman. Tuna spread. Ang galing! Paborito ko ito pati ang pineapple juice. Agad ko itong kinain. Ngayon ay naramdaman ko na ang gutom. Ala-una na raw. Alas-otso kami nang umaga umalis sa amin. Ibig sabihin ay gano'n kalayo ang akademya. Nginuya ko ang sandwich bago nilunok at bumaling kay Ethan, "Malayo pa po ba?" tanong ko. "Isang oras na lamang, Lady Agape," saad niya. Kanina ko pa napansin ang paraan ng pag-address nila sa akin. Gumagamit sila ng Lady. Gano'n siguro sa paaralan na 'yun. Feeling ko tuloy mataas na uri ako ng tao. Tumango ako at bumaling sa may bintana. Patuloy pa rin ako sa pagkain. Inabutan pa ako ng isa ni Ethan. Nahihiya akong ngumiti bago tinanggap. Hindi naman maaaring tanggihan dahil gutom naman talaga ako. Napansin ko ang dinaraanan namin. Parang malayo na kami sa kabahayan. Malawak na damuhan at mga puno ang nakikita ko. Nagtataasan ang mga puno na halos magkakatabi at sa bandang likod no'n ay ang malawak na damuhan na may ilang mga bulaklak. Hindi ko mapigilang mamangha. May ganito pa palang parte sa Luzon? These days, halos maubos na ang mga puno dahil sa mga pangangailangan ng tao, at minsan ay pag-abuso. Ngunit sa bahaging ito, maa-appreciate mo ang kagandahan ng kalikasan. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng mga kabayo na naglalakad. They are so calm, like this place. So peaceful and relaxing. Ibinaba ko ang bintana at sumalubong sa akin ang sariwang hangin. Hindi rin gaano makasilip ang sinag ng araw dahil natatakpan ng mga makakapal na dahon ng puno. Tila nabawasan ang lungkot at bigat na nararamdaman ko dahil sa nakikita. "Suotin niyo po ang seatbelt Lady Agape." Agad ko iyong sinunod kahit nagtatakha. Kalaunan ay nasagot ang tanong kung para saan iyon nang mabilis ang takbo ng sasakyan pababa. Tila bumubulusok kami pababa! Napangiti ako nang humampas sa mukha ko ang hangin. Ngunit maya-maya ay humalo na ang mga alikabok na naistorbo ng takbo ng sasakyan. Kaya mabilis ko iyong sinara. Napa-ubo ako kaya mabilis kong tinakpan ang bibig. Binigyan ako ni Ethan ng bottled water, at agad ko itong ininom. Ilang ulit rin kaming dumaan sa gano'n. May pagkakataong halos itulak ako ng pwersa papunta sa upuan habang umaandar paitaas ang saaakyan. Tapos biglang bubulusok muli pababa. Sa wakas ay tumigil rin ang kotse. Napahawak ako sa ulo nang maramdaman ang pagpitik ng ugat doon. Bigla tuloy sumakit ulo ko at nahilo. Para akong sumakay ng rollor coaster! Napatingin ako kila Ethan ng magsalita siya. "We're here," saad niya habang nakalapit sa kan'yang bibig ang maganda niyang pambisig na relo. Napanganga ako nang makita sa harapan ang napakalaking gate. Kulay itim ito at may mga halo na kulay ginto ang ilang bahagi lalo na ang mga gilid, at magkabilaang dulo nito. Its rusty-vibe gave an intimidating aura. I leaned forward. At halos gusto ko ng lumipat sa front seat para mas mapagmasdan ang gate. May malaking arko sa itaas at doon ay mahusay na naka-carve ang salitang 'Angst Academy'. Sa gitna naman ng gate, nakita ko roon ang malaking logo ng akademya na tulad sa may suit nila Ethan. Malaking tila shield ng mga mandirigma, at may naka-patong na espada. Kulay ginto rin ito. Lalo akong namangha nang mahati ito sa gitna dahil sa pagbukas ng engrandeng tarangkahan. Namimilog pa rin ang mata ko sa sobrang pagka-amaze. Akala ko sa mga libro lamang nage-exist ang ganito kagandang paaralan! Unti-unting umandar ang sasakyan at tinahak ang sementadong pathway. Agad akong bumaling sa may bintana sa aking gilid. Malawak na bermuda grass ang nasa gilid ng pathway. May mga bulaklak rin na iba't-iba ang kulay. May mga lampost rin na pawang kulay itim na may halong kulay ginto. Umabot ng ilang minuto ang byahe bago tumigil muli ang sasakyan sa harap ng isang 'di kalakihang gate. Ngunit maganda pa rin ito at elegante. Maya-maya ay bumukas ito at tuluyang bumungad sa akin ang akademya! "H'wag niyo pong ibaba ang bintana." Saad ni Ethan. Natigil ako sa akmang pagbaba nito at agad lumayo. Pinagmasdan ko na lamang ang nasa labas. Ang ilang mga estudyante ay napatigil dahil sa sasakyan. Nahigit ko ang aking hininga nang tumama ng diretso ang kanilang mata sa akin. Kahit tinted ang sasakyan, pakiramdam ko ay kitang-kita nila ako. Umiwas ako ng tingin at sumandal na lamang sa upuan. Pumasok ang sasakyan sa malaking parking space. May bubong pa ito. Totoo palang napaka-ganda ng paaralan na 'to! Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako ng babaeng naka-suit at naka-ponytail. Walang emosyon ang mukha niya gaya ng kila Ethan. Tuluyan na akong naka-baba. Suminghap ako ng hangin at pinagmasdan sila. Biglang dumating ang isang lalaking sa tingin ko ay nasa mid 50's. Nakagat ko ang sariling labi habang pinagmamasdan siya. Kulay asul ang kan'yang mata. His nose is tall and his mouth is in grimline. Hindi ko mapigilang maintimida, at sa 'di mapaliwanag na dahilan, ramdam kong hindi siya basta-bastang tao. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sariling magtago sa likod ng isa sa mga naka-suit. Muntik akong mapamulagat nang yumuko ito sa aking harap. Nang bumalik siya sa maayos na tindig ay bahagya itong ngumiti. "I'm the Headmaster of this Academy. I'm Johnson Lamscent, Lady Agape. And welcome to Angst Academy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD