Chapter 2

1635 Words
Her POV "Don't worry Lady Lopez. That's a boarding school. And since you're scholar, libre na ang lahat. Wala kang gagastusin, dahil kahit allowance sila na ang bahala. Don't you like it, Lady Agape? Minsan lang 'to. And that's the most prestigious University here in the Philippines, and one of the best in the world. Think about it dahil next week na ang start ng class do'n. Kaya kailangan mo ng pumunta ng mas maaga," Dr. Atienza told me. Napabuntong-hininga ako habang tulala na nakatingin sa kawalan. Ano pa ba ang problema mo, Eirian? Libre na ang lahat. Wala na akong problema. Unlike sa Best University, kapag natapos ako ng Senior, apply na naman ako ng scholarship para sa college. Sa offer na binigay sa akin, diretso na. Libre na ang lahat. "Ate Agape! Kain na ako." Napatingin ako sa tumatakbong papasok sa kwarto ko na si Ella. Ngumuso ito sa akin at nagpapa-cute. Pinagmasdan ko siya, at napagtanto ang isa sa dahilan kung bakit nag-aalangan akong tanggapin ang offer. Dahil sa pamilyang ito. Dahil kay Ella, dahil kina Tita. Mananatili ako sa paaralan na 'yon, since boarding school. At nabasa ko na sa ibang details na minsan lamang sa isang taon nakalalabas ang mga estudyante sa paaralan na iyon. Kapag sembreak at iba pa. Ganoon naman talaga kapag boarding school. So, ibig sabihin minsan ko lang makikita ang pamilyang kinalakihan ko. "Halika na, ipaghahanda na kita ng pagkain," marahan na saad ko. Hinawakan ko siya sa balikat at iginiya palabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng dalawang plato at nagsandok ng kanin. Nilagay ko iyon sa lamesa at naglagay ng ulam. "Kain na tayo," saad ko. Ngumiti si Ella at maganang kumain. Masaya ako dahil malapit siya sa akin. At kung aalis ako dito para mag-aral, sigurado akong malulungkot at ma-mimiss ko sila. Kahit hindi naman ako dapat responsibilidad nina Tita, pinalaki pa rin nila ako nang maayos. Hindi tulad ng mga madalas na nangyayari, na inaapi at kinakawawa ang mga ulila, mahal na mahal ako nina Tita. Alagang-alaga. Kaya hindi ako kulang sa pagmamahal. Tulong-tulong kami. Gusto ko man mag-trabaho, hindi pumapayag si Tita. Aniya, kaya naman nila ako buhayin ni Tito. At tama na ang pagtulong ko sa mga gawaing bahay. Kaya napaka-swerte ko sa kanila. "Hayop ka Alvin! Anong ginawa mo? Tinaya mo ang titulo ng bahay? Hayop ka, paano mo iyon nagawa!" Napatayo ako nang biglang pumasok si Tita at Tito nang nagsisigawan. Halos napatalon din si Ella sa pagkabigla. Nabigla ako nang makita ang lumuluha na mukha ni Tita. Bakas ang galit at sakit dito. Lumapit si Tito sa kan'ya at akmang hahawakan ng itulak siya nito. "Mahal na ma--" Sinampal siya ni Tita. "Tumigil ka. Kaya pala, kaya pala parang balisa ka! Sa sobrang sugarol mo, pati titulo ng bahay, isinugal mo! Alam mo namang hindi madali ang buhay! Swerte na nga tayo dahil may sarili tayong bahay, bawas gastusin na. Kesa umupa tayo. Pero ano?! Bigay na nga ito sa akin nila Mama at Papa. Kaya wala kang karapatan, hayop ka!" humagulhol si Tita at tuluyan ng napaupo. Hinilamos naman ni Tito ang mukha niya. They both look frustrated. "Nanay! Tatay!" Umiyak si Ella. Siguro dahil natatakot. Kahit kailan kasi ay hindi pa nag-away nang ganito sila Tita. Yumakap sa akin ang limang taon na si Ella kaya agad ko siyang inalo. Hindi ko na sinubukan pang mangialam dahil away mag-asawa ito. "Tapos ano Alvin? Pinatalo mo? Walang kwenta naman yang sugal na iyan eh! May napala ka ba?" Sigaw ni Tita. "Pero ang bakanteng lote ni Norman ang tinaya niya, kaya naging interesado ako. Naisip ko na malaki ang maitutulong no'n," mahinahong saad ni Tito. "Oh, nanalo ka ba? Hindi 'di ba? Alam mong pwede kang manalo, pwede ka ring matalo. Walang masama kung sumubok, pero sa sitwasyon natin, bahay at lupa natin ang tinaya mo. Ano na ngayon? Paano na, ha? Wala na nga tayong matitirhan, binigo ko pa ang mga magulang ko. Pinangako ko na aalagaan ko itong bahay. Paano na?" Nanghihina si Tita sa bawat salitang binitawan na tila nauupos na kandila. Napaawang ang labi ko nang mag-sink in sa akin ang lahat. At ngayon, naintindihan ko na ang lahat. Natalo si Tito, itinaya niya ang bahay at lupa. Wala na kaming matitirhan. Nag-init ang sulok ng mata ko at tinakpan ang bibig. Hindi madali ang buhay namin. Minsan, dumarating sa point na halos wala kaming makain. At ang comfort lang namin ay may tirahan kami. At ngayon...wala na. Kinaumagahan ay tahimik kami sa hapag kainan. Ramdam ang lungkot at tensyon dito. Napatingin ako sa inosenteng mukha ni Ella. Tingin ito nang tingin sa mga magulang niya. Alam kong ang tangi niyang naiisip ay magkaaway ang magulang niya. Hindi niya naiisip ang tunay na dahilan dahil masyado pa siyang bata. Nagawi ang tingin ko sa mga karton at ilang malalaking bag kung saan naroon ang mga gamit namin. "Anong plano mo Alvin?" malamig na saad ni Tita. Nakita ko ang lungkot sa mata ni Tito ng hindi niya narinig ang malambing na boses ni Tita at endearment pa nilang 'mahal'. "Doon tayo kila Nanay. Malaki-laki naman ang bahay nila," tugon ni Tito. Nalukot ang mukha ni Tita ngunit nanahimik na lamang. Alam kong hindi sila in good terms ng nanay ni Tito. Matapos mag-asikaso ay nilagay na ang mga gamit namin sa jeep na pinahiram ng kapit-bahay namin na kaibigan nina Tita. Malungkot kong pinagmasdan ang bahay na kinalakihan ko. Ang bahay na saksi nang halos ng lahat ng pangyayari sa buhay ko. Ang bahay na kahit sandali ay nakitang nasa bisig ako ng aking ina. Pinalis ko ang umalpas na luha at tumalikod. Puno ng lungkot ang kalooban ko hanggang sa makapasok sa jeep. Tahimik lamang kami sa byahe, matapos ang ilang oras ay tumigil kami sa bahay na medyo may kalumaan na. Pero maganda pa rin ito. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Payapa ang lugar na 'to. Hindi naman ganoon kalayo sa dati naming tirahan pero iba ang atmospera dito na malamang ay dahil sa mga mayayabong na halaman at puno. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng isang matanda. Nakataas ang kilay nito at pinasadahan kami ng tingin. Akmang mag-mamano si Tita ngunit inismiran niya ito. "Nay," saad ni Tito at bakas sa boses na hindi natuwa sa inasta ng kaniyang ina. Tinaasan lamang niya ng kilay ang huli. Hindi ganoon kalaki ang bahay. Isang palapag lamang, at may tatlong kwarto. Isang kwarto lamang ang nakalaan sa amin. Hindi rin ito ganoon kalaki at may iisang kama na mukhang tatlo lamang ang kasya. Nagsusuklay ako ng buhok dahil tapos na rin ako maglatag ng higaan nang pumasok sila Tito at Tita. Buhat-buhat ang tulog na tulog na si Ella. Marahan niya itong inilapag sa kama. Napatingin sa akin si Tita Elaine. Tumaas ang kilay nito. "Bakit ka naglatag?" Tanong niya. Napatingin rin sa amin si Tito. "Ah, dito po ako matutulog," tugon ko. Nakakahiya naman kung si Tito ang matutulog dito, e anak siya ng may-ari. "Hindi. Dito tayo sa kama. Hayaan mo ang Tito mo diyan," saad niya at inismiran ang asawa. Tumingin sa akin si Tito at tumango. "Sige na, Eirian," aniya. Nag-aalangan akong humiga sa tabi ni Ella. Pinagitnaan namin siya. Bago ako pumikit ay narinig ko pa ang pagsuyo ni Tito kay Tita. Maaga akong nagising. Mas nauna pa ako kila Tita. Dahan-dahan akong kumilos at nag-asikaso bago lumabas. Nakikitira ako sa ibang bahay, sa hindi ko kamag-anak dahil hindi ko naman kadugo si Tito... si Tita lamang. Kaya dapat mas maging maingat ako. Napatingin ako sa malaking relo. Alas-singko pa lang ng umaga. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko na si Lola Iseng na nagkakape sa lamesa. Nagtaas siya ng kilay nang makita ako. "Sabit na nga lang, tamad pa. Tanghali magising. Ang kapal ng mukha." Wala man siyang binaggit na pangalan alam kong ako ang sinasambit niya dahil kami lang naman ang nandito. "M-magluluto na po ako ng umagahan." Magsisimula na sana akong kumilos nang tinapik niya ako. "Hindi. Ayokong hawakan mo ang mga gamit ko. Ang gusto ko, umalis ka dito. Hindi naman kita kaano-ano," singhal niya. "Mama!" Nabigla kami pareho ni Lola nang may sumingit sa amin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang namumulang si Tita Elaine. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat at itinago sa likod niya. "Wag po niyong ginaganyan ang pamangkin ko. Kung galit kayo sa akin, wag kay Eirian. aniya. "Tita.." pagpapakalma ko. Ayokong lumala ang gulo sa pagitan nila lalo na kung ako lang ang dahilan. "Aba't. Ang kakapal talaga ng mukha ninyo! Nakikitira na nga lang kayo!" "Opo, nakikitira lang kami pero sana wag niyo naman po kaming babastusin. Lalo na si Eirian na nagmamagandang-loob lang!" Hinila ako ni Tita paalis do'n at pumasok sa kwarto. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Napaka-bait talaga ni Tita. Alam kong mahal niya ako. "Hayaan mo 'yung matandang yun. Sumosobra na iyon eh. Nananahimik ako kahit anong ginagawa niya, wag lang ikaw at si Ella ang galawin niya!" Nang-gigigil na saad niya. Malungkot akong ngumiti bago hinaplos ang balikat ni Tita. Kahit saan naranasan ko na ang ganito. Being neglected, rejected or unwanted. At sila Tita, Tito at Ella lamang ang tumatanggap sa akin nang buo. At nagpapasalamat ako para do'n. "Tita..." Saad ko. "Ano iyon? May kailangan ka ba?" Hinaplos niya ako sa buhok. Napapikit ako pero maya-maya ay may umalpas na luha mula sa mata ko. "M-may problema ka ba, pamangkin ko? Ano iyon Eirian? Hayaan mo na si Mama. Matanda na kasi iyon," pag-aalo niya. "Mamimiss ko lang po kayo," saad ko. Kumunot ang noo niya. "Bakit? Saan ka pupunta?" Aniya. "Nakapag-desisyon na po ako. Tatanggapin ko po iyong offer. Papasok na ako sa Angst Academy," saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD