"Let's go na!" Tili niya. Huminga ako nang malalim at hindi mapuknat ang ngiti habang sabay-sabay kaming naglalakad. Ang saya sa pakiramdam na ayos na ang lahat. This event is blessing in disguise, I think. It's like a narrow way. Dahilan para muling magkasalubong ang aming mga landas at magkaayos. Pero binawi ko rin katagalan ang sinabi ko na biyaya ang event na 'to. Simula pa lang ay hindi na naging maganda ang kutob ko sa mangyayari. Ngunit inisip ko na baka nagkamali lamang ako at naging paranoid dahi na rin sa mga pinagdaanan ko. But my instinct is always right. Ang mga estudyante na nagkalat ay wala na, na labis naming ipinagtataka. Hindi naman siguro ganoon kalawak ang venue na inihanda para maubusan na kami ng makakasalubong, 'di ba? And I realized why when I saw bunches of stude

