Her POV Pagkatapos ng putok ng baril bilang senyales ng pagsisimula ay nagsikilos agad ang lahat. Nagkahiwa-hiwalay na ang mga tumpok ng mga estudyante at nagkalat sa kagubatan. May mga harang din pala sa loob na tila maze para siguro maging mas thrilling ang event. Naiwan ako sa may pwesto ko kaya nagsimula na akong maglakad-lakad. Kulay abo rin ang mga matataas na pader na nagsilbing harang sa loob. I can already hear their movements. Ang kanilang mga suntok na pinapakawalan at malakas na impact nito sa katawan ng kanilang kaharap. Any minute from now, meron nang susugod sa 'kin. At hindi nga ako nagkamali dahil paglampas ko ng pader ay may humarang na agad sa akin na babae. She smirked on me and stared on my ring. Alam kong malaki ang magiging puntos niya kapag nakuha iyon lalo na at

