Isang buwan ang nakalipas. Sinuot ni Carmen ang bestida na regalo ni Tristan. May invitation kasi siya galing sa binata — birthday party nila sa bahay nila Ibanez. Dumating na rin kasi sa Pilipinas si Mr. Ibanez, gumaling na siya mula sa sakit, at naging successful ang kanyang heart bypass operation. Masaya si Carmen para kay Tristan dahil sa lahat ng nangyari. Malapit na rin silang mag-graduate. Nang matapos siya mag-ayos at magbihis, malungkot na nilibot niya ang mga mata sa kwarto. Lagi siyang ganito bago umalis. Naalala niya yung mga araw na magkakasama silang tatlo — siya, si Wendy, at si Mia. Wala talagang permanente sa mundo. Si Wendy, pagkatapos ng graduation, umuwi na sa probinsiya; si Ate Mia naman ay nagtrabaho na sa isang private company bilang documentation staff. Kaya siya

