After 3 months... Naging busy ang lahat ng estudyante dahil sa nalalapit na graduation — hindi lang si Carmen, pati na rin si Wendy. Three months nang buntis si Wendy. Medyo tumaba na siya pero hindi pa gaanong halata ang umbok ng tiyan niya. Mauuna ang graduation niya ng isang buwan kaysa kay Carmen. "Masaya ako. Kahit buntis ka, pinilit mong makapagtapos," bulong ni Carmen habang nasa bus station sila, naghihintay sa pagdating ng mga magulang ni Wendy. Ngumiti si Wendy. "Thank you. Kung hindi dahil sa'yo, ewan ko na kung anong gagawin ko." "Hindi pa rin ba alam ni Jay?" seryosong tanong ni Carmen. Umiling si Wendy. "Pagkatapos ko manganak, uuwi muna ako sa atin. Maghahanap na lang ako ng trabaho 'pag naisilang ko na si Baby," sabi niya sabay haplos sa tiyan. "Pero kailangan pa rin

