Sa taxi papunta sa ospital, nakatingin lang sa bintana si Carmen. Pagod na siya, hindi lang sa katawan kundi pati sa puso't isipan. Pero wala siyang balak sumuko. Kailangan siya ni Justine. Kailangan siya ng pamilya niya. Pagkarating ni Carmen sa ospital, dali-dali siyang pumunta sa information desk. "Excuse me po, saan po naka-confine si Justine Dela Cruz? Na-admit po kanina lang," tanong niya, halos hingal na sa pagtakbo. "Saglit lang po, ma'am," sabi ng nurse habang chine-check ang record. "Room 203, East Wing." "Salamat po," mabilis niyang sagot at agad tumakbo papunta sa elevator. Pagbukas ng pinto ng Room 203, bumungad sa kanya si Tita Belen, nakaupo sa isang sulok habang nakatungo, hawak-hawak ang maliit na rosaryo. Nilingon siya nito agad nang marinig ang pagbukas ng pinto. "

