Pitong Taon ang Lumipas Pauwi na si Carmen galing sa trabaho niya sa Brokerage Office. Pagod na pagod na siya. Sumasakit na ang mga paa niya sa kakalakad. Nakapagswitch na nga siya sa slippers instead of her office shoes, pero ang layo pa rin ng lalakarin niya pauwi. Umupo muna siya sa may waiting shed para makapahinga. Kinuha niya ang tumbler niya at uminom ng tubig. Habang nagpapahinga, napatingin siya sa paligid. Ang daming tao. May mga magkasintahan, pamilya, barkadahan. Lahat sila parang chill lang, nagkukuwentuhan, nagpapahangin. Biglang napalingon si Carmen sa taas. Napatingala siya. Isang billboard ang agad na tumama sa paningin niya. Si Tristan Ibañez. Ang bagong mukha ng Ibañez Corporation. President na pala ng Ibañez Real Estates, Telecommunications, at kung ano-ano pang busi

