Sa airport pa lang, tahimik na. Carmen kept her distance. Hindi niya tiningnan si Tristan, kahit ilang beses itong sumulyap sa kanya. Pareho silang naka-business casual. Si Tristan sa polo at slacks, si Carmen naka-simpleng blouse at blazer. Pero ramdam ang bigat sa pagitan nila. Hindi na siya kinausap ni Tristan mula check-in hanggang sa boarding gate. Tahimik silang dalawa sa waiting area, at kahit sa eroplano, hindi nag-usap. Umupo sila magkatabi, pero parang may pader sa gitna nila. Paglapag sa Iloilo, sinalubong sila ng isang staff mula sa construction site. "Sir Tristan, welcome po. Ma'am." Ngumiti si Tristan at tumango. "Let's go." Sa sasakyan, nakatingin lang si Carmen sa labas ng bintana. Kahit maganda ang tanawin, hindi niya iyon ma-enjoy. Mabigat pa rin ang dibdib niya. Na

