Makalipas ang dalawang buwan, nagpasya si Carmen na lumuwas. Kailangan niyang kunin ang mga credentials niya sa dating eskuwelahan, isang hakbang na matagal na niyang iniiwasan, ngunit ngayon ay handa na siyang harapin. Handa na siyang tumingin muli sa mga mata ng mga taong minsang naging bahagi ng kanyang masalimuot na nakaraan. Kahit si Tristan, wala na siyang galit dito. Matagal na niyang pinatawad ang binata. Hindi dahil may pagtingin pa siya rito, kundi dahil nais na rin niyang palayain ang sarili mula sa bigat ng nakaraan. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nais niyang muling makipagkalapit kay Tristan. "Ayoko na talaga ng magulong buhay," bulong niya sa sarili habang sakay ng bus, nakatingin sa bintana, pinagmamasdan ang mabilis na pag-usad ng siyudad. Marami nang nagbago sa loo

