Tahimik ang biyahe nina Carmen at Tristan. Wala ni isang salita ang binitiwan habang tinatahak ang daan pauwi. Tanging ang ugong ng makina at tunog ng mga gulong sa kalsada ang naririnig sa loob ng sasakyan. Pagdating nila sa tapat ng bahay nila Carmen, tila may kung anong bigat ang bumitaw sa dibdib ng dalaga. Napalunok siya, habang tinitingnan ang pamilyar na lugar na tila ngayon lang ulit niya nasilayan nang malaya. Ganito siguro ang pakiramdam ng isang bilanggo na nakalaya, bulong niya sa sarili. Nakakapanibago. Nakakagaan. Nakakaiyak. Inabot na niya ang pinto ng sasakyan, handa nang bumaba, nang bigla siyang pigilan ni Tristan. Maingat niyang hinawakan ang braso nito. "Carmen..." mahina at maingat ang tono ng binata, "Can we talk for a while?" Napalingon si Carmen, hindi agad nag

