Later that night... Tahimik ang gabi. Walang ingay maliban sa malumanay na tunog ng pinggan at kubyertos habang kumakain sila sa maliit na table sa loob ng condo ni Tristan. Simpleng ulam lang, grilled salmon, garlic rice, and buttered vegetables. Si Tristan pa mismo ang nagluto. "Di ko alam na marunong ka pala magluto akala ko puro almusal lang," bungad ni Carmen, bahagyang nakangiti habang kumukuha ng konting kanin. "Sikreto ko 'yon," sagot ni Tristan, sabay kindat. "Pag wala kang kasama sa abroad, matututo ka talaga. Unless gusto mong araw-araw noodles at cereal." Tumawa si Carmen, pero may lambing ang tawa niya. Wala na 'yung dating tension. Wala na 'yung layo sa mga mata niya. Ngayon, para bang bumalik silang muli sa dapat pero mas totoo, mas maingat. "Masarap 'yung salmon," sab

