Tristan's POV Tahimik lang si Carmen buong araw. Hindi gaya ng dati na kahit may tension sa pagitan nila, may mga sulyap pa rin siya, may mga tipid na ngiti, o kaya'y galit na may halong hiya. Pero ngayon... wala. Iwas tingin. Walang imik. Parang laging may iniisip. Napansin ni Tristan 'yon habang magkasabay silang naglalakad palabas ng opisina. Dati, kahit awkward, palihim pa rin siyang tumitingin sa kanya. Ngayon, literal na tinutulak ang distansya sa pagitan nila. "Carmen," tawag niya habang pababa sila ng hagdan. "Okay ka lang ba?" "Oo." Mabilis ang sagot. Walang tingin. Walang kumpiyansa. Napakunot ang noo ni Tristan. Hindi niya kilalang ganyan si Carmen. Hindi 'yan yung Carmen na kahapon lang, halos humihinga sa labi niya. "Sigurado ka?" Napahinto ito saglit. "Tristan, baka.

