"Good luck, Jas." Nakangiti na sabi sa kanya ni, Doc Jacob. Pilit lang ang kanyang ngiti. Pinakalma ang sarili. Hindi niya alam kung solusyon ang nahanap niya ng mag cross ang landas nila ni Theo Cervantes o panibagong problema. " Hey, bro." Malaki ang ngiti ni Doc Jacob na pumasok sa magarang vacation house na nakaharap sa dagat. "Kumusta? Anong meron at naligaw ka yata?" Parang hindi ganun kasaya ang boses ng sadya nila dito sa bahay na ito. " What's with your voice? Still not well?" Tanong ni Doc Jacob at naupo sa tabi ng lalaki. Dahilan para tumambad sa kanya si Tim Cervantes, in person! Matapos malaman na ito ang kanyang project at na isip na solusyon sa problema. Nag simula siyang hanapin ito sa social media. Hindi niya akalain na ganito ito ka gandang lalaki sa personal

