"Good morning, manang.” Bati niya sa katiwala ni Tim na naghahanda ng pagkain. " Magandang umaga iha!" Bati nito at tumingin sa kanya. " Ang ganda mo palang bata, hindi kita napag masdan kagabi. Dalaga ka pa?" Tanong nito, habang tinatapos ang paghahanda. Tumango lang siya. " Kay Sir, Tim po ba iyan?" Pag iiba niya ng usapan. " Oo, maaga nagising, gusto niyang mag almusal sa kubo niya sa likod." Sabi nito at iniangat ang tray ng pagkain, pero pinigilan niya. "Ako na lang po mag serve kay, sir Tim. Sabihin ninyo lang po san ang kubo niya." Presenta niya. " Saka kailangan po niyang uminom ng gamot. Isabay ko na lang po." Sabi niya na naka ngiti. Matapos ituro nito ang daan, tinungo na niya ang kinaroroonan ni Tim. "Good morning sir Tim.!" Masigla niyang bati, habang tinatago

