Napakabait talaga nitong pinagtanungan ko ng direksyon biruin mo pinasakay pa ko sa sasakyan niya.
pinapasok ako ng driver sa likod kung saan pumasok yung matanda, kala ko sa harapan ako papaupuin eh pero hindi pala.
pagkaupo ko agad na sinabi ng may ari ng sasakyan sa driver na puntahan yung address na pinakita ko.
"nga pala anong gagawin mo dun?" tanong nya sakin.
"ay sir! interview ko po para sa trabaho... kaya marami pong salamat talaga sir ha, wala po kasi akong alam pa dito sa manila."
"oh bakit naman!? san kaba galing?"
"sa probinsya pa po ako sir galing, ang malas ko nga po eh nanakawan pa ako sa bus kanina nakuha po lahat ng pera ko, buti nalang po nakasabay ko po kayo." kwento ko sa kanya.
"ay sya nga po pala! ako po si Paco, Paco Remaha" pakilala ko.
ngumiti sakin ang matanda at nagpakilalang sya raw si Enrique, tawagin ko nalang daw syang Pops. cool! :)
sa haba ng oras ganun din kahaba ang pag uusap namin, nagkwentuhan lang kami ng nakakatuwa tungkol sa mga nakakatawang nangyari kay Pops, syempre nagkwento rin naman ako ng mga kalokohan ko dati.
nagulat pa nga ako nung tinanong ni Pops kung ilang taon nako, nung sinabi kong 22 bigla syang tumahimik sandali, tinanong ko sya kung bakit? ang sabi nya siguro raw kung nabubuhay pa yung apo nya magkasing edad na raw kami.
nakakalungkot lang na mag isa nalang pala si Pops sa buhay, namatay pala ang anak nya kasama ang apo nya sa isang car accident.
kaya siguro ganito nalang kakwento sakin tong taong to eh, nang malaman kong nag iisa nalang si Pops, wala akong ibang ginawa sa byahe namin kundi pasayahin sya. Alam ko kasi kung ganu kasakit ang mawalan ng isang mahal sa buhay ng mawala si Tatay.
sa pagkwekwentuhan namin, hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa address na binigay ko.
"sir, andito napo tayo" wika ng driver.
"ahh ganun po ba, maraming salamat po! Pops! maraming maraming salamat po!" sabi ko sabay bigay ng isang malaking ngiti.
ngumiti lang sakin si Pops bilang pagsagot sa sinabi ko.
"iho, ayun yung building ng company na a-applyan mo, goodluck!" sabi ni pops!
"opo! kaya ko to! salamat po ulit" sabi ko sabay nagpaalam nako.
wooooowww!. grabe! ang ganda dito sa makati puro matataas na building at ang gaganda pa ng design :) sana andito si Ading at si Nanay para nakikita rin nila to.
pumasok nako sa loob ng building, di ako makapaniwalang nandito nako ngayon! totoo ba tong nangyayari ngayon?
pero bago ang lahat kailangan ko munang maghanda para sa interview ko.
"ahhh excuseme nandito ako para sa interview?" wika ko sa babae na nakapwesto sa reception.
tinanong nya yung pangalan ko para iconfirm kung talaga nga bang isasalang ako sa interview! whooo jusko kung alam nyo lang kung gano ako ka-kaba ngayon. whew..
sinabi sakin ng receptionist na maghintay muna ng ilang minuto at susunduin ako ng guard papunta sa HR department nila. sosyal!
tulad nga ng sabi ng receptionist maya-maya dumating na ang isang security guard at hinatid ako sa HR department.
basang basa na yung mga kamay ko sa kaba not to mention di ko pa alam kung ano ng amoy ng hininga ko, bahala na nga.
pumasok ako sa conference room na sobrang lamig na dumagdag pa sa kaba ko.
"good morning!" bungad ng hr sakin.this is it pansit!
talk show. talk show. blah blah blah mga typical na tanong sa interview.
and then.
"as of now Mr. paco we urgently need the secretary position morethan marketing officer, since na fit ka naman sa position pwede mo bang iconsider tong offer nato?"
secretary? hmmm mukang mas mataas yung sahod pag secretary ha? at besides pag tinanggap ko to mas malapit ako sa presidente! hihi :)
kumonot ako ng noo para mag isip kung icoconsider ko ba yung bagong offer o stick to the plan ako? pero nagulat ako ng biglang magsalita ang babaeng nasa harap ko.
"dont worry Mr. Paco, pag tinanggap mo to im sure triple yung salary na matatanggap mo."
medyo nagduda ako sa sinabi ng HR kung mataas ang sahod ng position na'to, how come walang nag aaply para sa position nato?
kailangan kong mag isip ng maigi pag marketing officer yung kukunin ko mga 1 week pako mag sstart, pag yung secretary naman bukas na agad.
kaso ang problema, hindi pako nakakahanap ng matutuluyulan ko.
"ahmmm mam.. actually gusto kong tanggapin yung offer nyo para sa secretary position ang problema nga lang po is galing pa po akong probinsya kaya wala pa po akong nahahanap ng matuluyan"
pero gusto ko talaga maging secretary nalang mas maagang magsimula sa work mas maagang sasahod. :)
"nako walang problema dyan! actually meron tayong company house! pwedeng dun ka muna tumuloy habang hindi kapa nakakahanap ng matutuluyan mo. ano?"
pagkasabi ng HR nun parang nagliwanag yung paligid ko nakakita ako ng isang liwanag! yes!
"ahh osige po tatanggapin ko na." excited kong sinabi.
sa wakas! may trabaho nako may malaking sweldo at higit sa lahat may matitirahan nako yehey!
* * *
parang ang bilis ng pangyayari kanina lang wala akong trabaho pero ngayon meron na ang saya saya naman. :)
ilang minuto narin ang lumipas ng sinabi ng hr namin na maghintay lang ako sa recieving area para sa sketch ng map papunta sa bahay na tutuluyan ko habang wala pakong nakikita.
bigla kong naalala na kailangan ko palang ipaalam muna kay mama at ading na okay nako na may trabaho nako. :)
kinuha ko agad yung telepono sa bag ko at ipinaalam agad sa kanila ang magandang balita, nag uusap kami ni Nanay ng bigla akong maubusan ng load.
san naman kaya ako magpapaload nito? :/ magtanong nalang kaya ako kay kuya guard?
lumabas ako sa recieving area para maghanap ng papaloadan ko ng bigla akong mabunggo ng isang lalaki, hindi ko muna tinignan kung sino yung nakabangga sakin, mas una ko pang tinignan yung cellphone kong tumilapon sa di kalayuan gawa ng pagbangga sakin.
nanlaki nalang ang mga mata ko sa sobrang gulat ng makita ko yung cellphone ko sa sahig.
"hala! yung cellphone ko!" sigaw ko sabay dali-daling pinulot ang pira-piraso kong cellphone.
"sira na ata yung fone ko... di ka kasi nag iingat eh. (pinupulot ko na yung battery ng cellphone ko)
pano yan, baka di na gumana to! pano ko na kokokonta----kin....."
napatigil ako sa pagsasalita at nagulat ng makita ko yung taong nasa harap ko ngayon, hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko.