Di ko alam kung magugulat ba ako, matatakot o matutuwa ng makita ko tong taong nasa harapan ko eh.
naka tingin lang sya sakin at nakangiti... hinding hindi ko makakalimutan tong taong to.
"kumusta kana?" sabi nya. o s**t yung mga tingin nya! natututnaw ako! hihi.
"ahhhh... ano... okay lang ako.." sagot ko na medyo nauutal-utal pa. Medyo pabebe lang.
hindi ko aakalain na makikita ko pa ulit yung taong tumulong sakin kanina, dito pa mismo sa building nato.
yung taong hindi nagdalawang isip na tulungan ako at pautangin ng pera, kahit pa na walang kasiguraduhan ang pagbabayad ko sa kanya.
Pinulot ko yung cellphone ko sa lapag.
"patingin nga..." sabi nya sabay kuha ng cellphone sa kamay ko. dumikit yung mga kamay nya sa kamay ko (^_^)
"mukang sira na nga to ha... sorry ha, di ko kasi napansin na may tao.. palitan ko nalang ha?.." sabi nya sabay ngiti.
"hala! nako! wag na! nakakahiya na sayo!" pagtanggi ko, kahit masakit man sa loob ko medyo nahihiya narin ako sa kanya syempre pinautang nya ko nun kahit di nya pa ako kilala.
"sir Ian!" sigaw ng isang lalaki.
"sir Ian, kailangan na po kayo sa board meeting!" board meeting? ibig sabihin mataas posisyon nya dito sa kompanya?
"sige, papalitan ko nalang tong cellphone mo ha?" sabay ngiti at nagpaalam.
Sa mga ngiti nya para naman akong nakakita ng anghel! nakakakilig :)
pero teka?! pano nya mapapalitan yung cellphone ko?
"Ian! Ian!" sigaw ko habang hinahabol sya. Ang bastos ko no? Wala man lang sir hahahaha!
agad naman syang lumingon at ngumiti.
"ay! Ian! di ko pa pala nasabi sayo kung saan ako hahanapin dito sa building.." Wika ko.
ngumiti nanaman sya sakin.omg! ang gwapo nya talaga. :)
"dont wory! i will find you." sabi nya sakin sabay nagpatuloy maglakad.
abot langit naman yung ngiti ko sa sobrang saya. Pero anong ibig sabihin nya na i will find you? siguro mataas yung posisyon nya dito sa kompanyang to? kasi kaya nyang maaccess si HR.
kinakausap ko pa yung sarili ko ng bigla akong makarinig ng paswit sa likod ko, kaya naman lumingon ako para makita kung sino yung pumapaswit sakin.
"pssst! kakilala mo yun?" tanong sakin ng isang babaeng hindi ko naman kilala.
"ay sorry! ako nga pala si Carla, by the way mag kasama pala tayo sa isang department sabi ng HR kanina bago ako pumasok dito sa loob." pakilala sakin ng babaeng nakatayo sa harap ko.
natuwa ako ng marinig ko yung sinabi ni Carla kasi di nako mahihirapan makisama dahil may bago rin sa department namin.
"ah! ako pala si Paco.." pakilala ko kay Carla sabay ngiti.
"so ano friend? magkakilala ba kayo?!" bulong nya sakin sabay hawak sa braso ko na kala mo close kami. Naamoy na nya siguro na hindi ako straight hehe.
"di ko pa sya masyadong kilala eh, kaka-kilala lang namin, bakit?" tanong ko.
huminga ng malalim si Carla na animoy nabunutan ng tinik.
"buti nalang!"
"bakit?" tanong ko ulit sa kanya.
"kala ko kasi totoo yung balita na bisexual sya haha kala ko ikaw yung jowa nya sorry hehe.. alam mo naman kaya ako nag apply dito dahil sa kanya." Kwento ni Carla na parang kinikilig pa.
"nga pala alam mo ba na boss sya sa department natin?"
nanlaki naman ang mga mata ko ng sabihin yun ni Carla.
napaisip ako na ang liit pala talaga ng mundo bago pako magsimula dito nakilala ko na yung boss ko. :3 medyo masaya rin ako kasi mukang magiging close kami ng boss ko.
halos ilang minuto palang kami nag-uusap ni Carla pero parang ang tagal -tagal na naming magkakilala marahil siguro hindi sya mahirap pakisamahan kaya nagclick agad kaming dalawa.
at dahil parang close na kaming dalawa ni Carla, kinapalan ko narin yung mukha ko na magpasama sa titirahan ko hehe, hirap na baka mawala nanaman ako.
napabuka ang bibig ko ng makita ko yung pansamantalang bahay na titirahan ko. Ang ganda nito at ang laki-laki pa.
"sigurado kanaba friend dito? ito talaga yung bahay?" tanong ko na medyo naguguluhan pa.
"oo nga ayan yun, nasa tamang street tayo oh! tignan mo... ayan yung house number oh! ang laki-laki teh nakalagay 24! haha" paliwanag sakin ni Carla sabay turo sa number na nakaukit sa gate ng malaking bahay.
Oo nga naman may house number nga naman at tama yung street malamang ito na nga yun.
Dahan dahan ko pang binuksan yung gate gamit yung susing pinaheram sakin ng hr kanina.
Medyo kinakabahan pako kasi baka hindi bumukas yung gate tas biglang mag alarm tulad ng mga napapanood ko sa tv nun.
Pero lumuwag ang paghinga ko at sakit ng batok ko ng biglang bumukas ang gate gamit yung susi na hawak ko. Yey! :)
"Wooooooow!" Napa wow nalang kaming dalawa ni Carla ng makita namin yung mismong bahay mapapamura ka talaga sa sobrang ganda at laki! Yung feeling na parang nasa five star hotel ka.
"O sya friend, i did my part! :) siguro naman okay kana dito? See you tomorrow?" Pamamaalam ni Carla. Di ko na sya pinigilan pa baka kasi pagod narin sya kaya gusto na nyang umuwi.
Pagkaalis ni Carla pumasok nako sa loob, sa loob may malaking salas at sa dulo yung dinning area sa labas naman nun o sa likod ng bahay may isang malaking pool, sa taas naman may tatlong malalaking kwarto.
Sayang talaga tong bahay nato kung di man lang nagagamit. Pumasok nako sa kwarto malapit sa hagdanan para makapagpahinga na.
Hihiga na sana ako ng biglang kumulo yung tyan ko, naalala ko hindi pa pala kami nag didinner ni Carla kaya naman pala ubo ng ubo yung babaeng yun kanina nagpaparinig na siguro na gutom na sya hahaha nakakahiya di ko man lang sya naalok kahit tubig man lang.
Bumaba ako mula sa kwarto patungong dining area nagbabakasakaling baka may pagkain sa baba papalitan ko nalang bukas para hindi nako lalabas.
Dyusko! Nag ningning ang mga mata ko ng makita ko yung laman ng ref grabe punong puno yung ref nila ng pagkain! Promise! Nako sayang naman yung mga food dito, halos wala namang nakatira dito.
Ang swerte ng mga pagkain kasi andito nako hindi na sila malulungkot! Hahaaaha! :)
Kumuha muna ako ng noodles para sa dinner ko, ibabalik ko nalang bukas.
Halos di nako makahinga ng maubos ko yung dalawang pancit canton na niluto ko, mag aalas once narin nun medyo antok nako sabayan pa ng pagod ko buong araw, mas maganda siguro kung magpapahinga na muna ako.
Bumalik nako sa kwarto na pinasukan ko sa taas kanina para mag pahinga.
Ang sarap na ng tulog ko ng bigla akong maalimpungatan dahil sa tunog sa baba.
Teka? Anong oras naba?. Agad kong kinuha yung relo ko na nakapatong sa table malapit sa ulunan ko para icheck kung anong oras na. Ano bayan!? 2:45 palang... Ano kaya yung tunog na paulit ulit kong naririnig kanina? Hindi kaya may mumo dito?
*toooooogggg!
oh s**t! Ayun nanaman yung tunog. Dahan dahan akong bumangon sa kama para alamin kung saan nga ba nanggagaling yung tunog nayun, kahit pa na nanginginig yung mga tuhod at kalamnan ko sa sobrang takot.
Bumaba ako sa salas at nakita ko na nakabukas na yung pinto ng bahay, pero teka? Ang alam ko sinara ko yung pinto kanina eh? Anong nangyari?
Nang lumapit ako sa pinto upang isara bigla nalang may mabigat na dumagan sa gilid ko na naging dahilan para bumagsak ako sa sahig, kasama yung dumagan sakin.
Gulat na gulat ako sa nangyari kaya naman nanginig nalang ako sa takot, baka kasi magnanakaw to.
Napasigaw nalang ako ng tulong habang nakadagan sakin tong lalaking to.
"Sino ka?!" Wika nya na halata mong lasing.
"Ano?! Ahhhh tuuulooong!!!!!!!!" Sigaw ko.
"Ang sabi ko sino ka?!" Wika nya.
Habang sumisigaw ako nagulat nalang ako ng bigla syang magsuka sa mukha ko syempre sumisigaw ako kaya may mga pumasok din sa bibig ko!
Oo tama yung nabasa mo! Grabe! Nakakadiri talaga! Aaaahhhhhhh!!!!!!!!!!