Masama pa rin ang loob ni Aliyah hanggang sa kinabukasan nang sunduin siya ni Logan around 5:30 ng hapon. She did not even bother to hide it. Ni hindi nga niya binati ang lalaki nang pumasok siya sa kotse nito.
"Aliyah, ngiti ka naman dyan. Nakakapanibago ka."
Tinaasan ni Aliyah ng kilay si Logan. "Ine-expect mo talagang matutuwa ako e sapilitan mo akong pinasama sa dinner ng family n'yo?" Inirapan niya ang lalaki.
Napakamot ng ulo si Logan. "Sorry na kasi. Hindi ko naman sinasadya. Gusto lang talaga kitang pagtripan dahil ang lalim ng iniisip mo kahapon."
"And what did you get sa pangti-trip mo?" Humalukipkip siya.
Hindi ito nakasagot. Sa halip, humarap na lang ito sa manibela at bumuntonghininga. "Nakakapanibago ka ngayon. Hindi ako sanay na nagmamaldita ka. Para kang si Robin."
Napaikot siya ng mga mata. At ngayon, kinukumpara naman ako kay Kuya.
"Sorry na kasi, Aliyah. Para namang luging-lugi ka na napilitan kang maging date ko, ah?"
Napamulagat siya. "Aba itong... " Tumalak siya. "Alam mo kung hindi ka mananahimik dyan, mainam pa sigurong bumaba na lang ako at wag nang sumama."
Bubuksan na sana niya ang pinto pero pinigilan siya nito. "Joke lang! Ito naman, hindi mabiro." Umiling-iling ito. "Magkapatid nga talaga kayo ni Robin. Pareho kayong pikunin.
"Ewan ko sa iyo!" Puro ka Robin! "Mag-drive ka na nga bago pa tuluyang magbago ang isip ko."
Muli itong napakamot ng ulo. "Ito na nga. Just promise na pagdating natin kila Lola Cion, wag kang magtataray, ha?"
Pag-ismid lang ang tugon niya.
Then, they drove silently.
-
At kahit malapit na sila sa destinasyon nila, kumukulo pa rin ang dugo ni Aliyah. It did not help that Logan compared her to his brother. Isa talaga iyon sa pinaka kinaiinisan niya. Why can't people stop comparing them? Hindi ba obvious na magkaiba sila?
So, they finally arrived. Aliyah could not help but be amazed by the venue. It was a huge traditional Spanish villa with brick exterior and tiled roofs. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang well-maintained na landscape, especially the bermuda grass na ang alam niya'y napakabusising alagaan.
"Ganda ba ng bahay ng Lola ko?" sabi na lamang ni Logan na hindi niya nalamayang nasa tabi niya. "Natulala ka, oh?"
Napakamot tuloy siya ng ulo sa hiya. "Yeah. Especially itong landscape." Tapos, tumalikod siya at hinarap ang palubog na araw. "Not to mention, ang ganda ng location."
High altitude ang lugar kung saan siya dinala ni Logan. Kita sa lugar na iyon ang dagat. And since it was facing the west, kita rin ang sunset, na saktong nangyayari na by that time.
"Ganda ng sunset dito, ano?" kumento ni Logan. "This is actually my favorite spot." Tapos, nilabas nito ang phone. "Picturean kita."
Napamulagat si Aliyah. "Luh? Bakit ako?"
"Kasi first time mo dito. At mukhang hindi ka na rin naman na babalik ulit kaya sagarin na natin."
Aliyah realized he had a point there, kaya hindi na siya nagmatigas. Besides, she liked the scenery anyway. Nakailang shot din sila bago nagdesisyon si Logan na pwede na iyon. Tapos, pinakita nito ang litrato sa kanya.
"Oh my God! Ang ganda ko," hindi niya maiwasang bulalas. She didn't realize she looked fine in this white dress she randomly picked from her closet. Ni hindi nga niya ini-style ang buhok. Not to mention, her black strapless tube bra was sticking out and looked kinda out-of-place. "Pasa mo sa akin, to, ah?"
"Mabuti naman ngumiti ka na."
Natigilan siya saka humarap dito.
"I know masama pa rin ang loob mo sa akin, pero ayokong naba-bad trip ka. Hindi ako sanay na nakasimangot ka. Parang ang laki-laki ng kasalanan ko." Umiling-iling pa si Logan.
Tumabi ang lalaki sa kanya at umakbay. Her heart berserked the moment their body rubbed against each other.
"Anyway, pasok na tayo sa loob? Kanina pa siguro sila naghihintay dahil maaga ang dinner sa amin."
Hindi na lang siya nagsalita nang giniya siya nito papasok. She was too busy to keep her composure, anyway.
-
The news of Logan getting a "girlfriend" spread faster than they have anticipated. Lahat na halos ng dumalo sa dinner ay alam ang tungkol doon!
Kaya naman iyon na naman si Aliyah at nagngingitngit sa inis. And Logan was aware of it. Katunayan, kahit nasa tabi niya ito at nakangiti, ramdam na ramdam niya ang menacing aura nito.
Sorry na talaga, Aliyah! Hindi ko naman sinasadya! Isip niya habang pinipilit na manatili ang ngiti. Kaharap niya ang mama at mga tita niya, at lahat sila'y nag-uunahan sa pagkwekwento ng mga childhood blues niya.
"Pero alam mo, Aliyah, nakakapanghinayang pa ring hindi nag-law iyang si Xander," kwento ng isa niyang tita.
Natigilan naman siya. s**t, ito na naman sila. He looked away as he waited for the next thing they would tell her.
"Nako! Sinabi mo pa." It was her mom who was speaking this time. "Puro kasi music ang inatupag. Hindi na lang inuna ang pag-aaral."
Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Buti na lang, wala si Papa. His father was in Europe to attend a certain convention. Laking pasasalamat niyang wala ito dahil paniguradong magkakairingan na naman sila.
His mother kept on ranting about him not pursuing law. May sinabi pa itong siya nga dapat ang kumuha niyon dahil siya ang nag-iisang lalaki sa kanila.
"Paano na lang ipagpapatuloy ang lahing Mercado bilang lawyer, di ba?" Umiling-iling ang mama niya. "It's really disappointing na pinili niyang maging artista lang."
Yeah. Until now naman, mababa pa rin ang tingin n'yo sa akin--
"Mawalang galang lang ho pero wag n'yo ho sanang minamaliit ang mga artist."
Napitlag si Logan saka napatingin kay Aliyah. To his surprise, nanlilisik ang mga mata nito.
"Bago n'yo naman ho sana maliitin ang mga artist, sana inisip n'yo muna na kung wala sila e di wala rin kayong pelikula na ine-enjoy panoorin kapag gusto n'yong ma-relax. Wala ring gagawa ng music. Walang magde-design ng bahay. Parang itong bahay lang na ito." Aliyah looked around. "Akala n'yo ba nabuo lang ang magandang bahay na ito sa isang pitik? Hindi. It became possible because an artist worked hard on it."
Logan looked at the ladies in front of them. They all looked displeased. So it became a cue for him to stop Aliyah from speaking.
Kaso nang hawakan niya to give a sign, pinandilatan lang siya nito saka tinabig iyon. Tapos, nag-rant ulit.
"Saka bakit ba big deal sa inyo iyang tradition na iyan? Kayo lang naman ang may gusto niyan. Bakit n'yo ipipilit kay Logan e hindi naman niya gusto? Guess what?" Umiling-iling si Aliyah. "Ang se-selfish n'yo! Puro sarili n'yo lang ang iniisip n'yo! I hate people like you!"
Bigla itong nag-walkout.
"Aliyah, wait!" He excused himself to his relatives before he came after her. While doing so, nakita niya ang pagsunod ng tingin sa kanila ng iba pa niyang kamag-anak. Nakaramdam tuloy siya lalo ng hiya.
Hindi tumigil ang babae hanggang sa makarating ito sa kotse niya.
Huminga siya nang malalim. "Aliyah, ano ba iyong ginawa mo--"
Bigla itong humarap sa kanya. "I scolded them! Oo, binastos ko sila. And I will not show any regret of doing it. Ever!"
Napamaang siya.
Through the faint light coming from the light post nearby, nakita niya ang pamamasa ng mga mata nito.
Lumapit si Aliyah sa kanya saka sinalubong ang tingin niya. "I hate people like them, Logan. Galit na galit ako sa mga boomer na minamaliit tayo dahil lang sa iba ang hilig natin. They're the worst of the worst!"
"Pero... hindi mo sila dapat pinagsalitaan. Nabastos mo pa rin sila. Mas matanda sila. Hindi mo ba naisip kung anong impression ang iniwan mo sa kanila--"
Tumalim muli ang titig nito. "Then what do you want me to do? Hayaan kang bastusin sa harap ko? All because you chose to be different? If they will hate me dahil sinupalpal ko sa kanila ang totoo, so be it! I'd rather be hated for being true to myself than being loved for pretending into someone I'm not."
Muli siyang natigilan. And now, Aliyah was crying again. But why?
Tumingkayad ito saka kumunyapit sa kanya. Sinubsob pa nito ang mukha sa dibdib niya.
"It hurts, Logan. I can feel it. Ramdam na ramdam kong nasasaktan ka kanina dahil sa ginagawa nila. It so hurt na hindi ko mapigilang maiyak dahil do'n."
"Umiiyak ka... dahil sa akin?" naguguluhang aniya.
Tumango ang babae. "If you want to cry, it is fine. Pero kung ayaw mo o hindi mo kaya, okay lang din." Kumalas ito sa kanya saka hinawakan ang pisngi niya. "I'll do it for you instead."
Napalunok si Logan. Aliyah was looking at him full of empathy. Na para bang nakikiisa ito sa dinaramdam niya. It was triggering an unfamiliar sensation in his chest.
Kailan ba niya huling naranasan itong ganito na may nakakaintindi sa nararamdaman niya? Wait, did someone even validate his feelings before? He's a guy. Galing pa siya sa pamilya na sobrang patriyarkal. Showing emotions when you're a guy was highly discouraged.
So ngayong mayroong taong nag-initiate para sabihan siyang ayos lang ang magpakita ng kahinaan... this felt nice.
He bit his lips. No. He would not cry. Hinding-hindi siya iiyak! And yet his body betrayed him.
Niyakap niya ang babae saka sinubsob ang mukha sa dibdib nito. At tuluyang binuhos ang sama ng loob na naipon sa dibdib niya.
Narinig din niya ang paghikbi ni Aliyah, kasabay ng pagyakap nito sa kanya. "It's okay, Logan. It's okay. Walang masama sa pag-iyak. You're not weak for crying. But you are strong for admitting it is fine to be vulnerable sometimes."
Hindi na siya nagsalita. Patuloy lang niyang ibinuhos ang luha hanggang sa maramdaman na niyang ayos na siya. And he ironically found solace on the shoulder of a girl that was way younger than him...