Chapter 3

1641 Words
Masayang sinasabayan ni Logan ang tugtog ng kanta sa stereo ng kotse niya nang biglang may tumawag sa kanya. "Puta, nag-e-enjoy ako. Sino ba iyan--" Natigilan siya nang makita ang pangalan ni Aliyah. Agad niyang sinagot iyon. "Hello--" "HOY, PARA KANG TANGA!" Kulang na lang ay manginig pati buto ni Logan sa sobrang lakas ng tili ni Aliyah. The phone was connected to the stereo, at malakas ang volume niyon.  "Tang ina. Makasigaw, ha? Basag ear drum ko sayo," reklamo niya. "E PARA KA KASING TANGA!" Then, Aliyah shrieked. "Burahin mo nga yung MyDay mo!" Ngumisi siya. Ah, kaya pala galit. Iiling-iling siya saka binawasan ang volume ng stereo. "O, bakit mo naman pinapabura?" "Gago ka ba? E kung ma-isyu tayo?!" Muli siyang napangisi. "E ano naman kung ma-isyu tayo? Wala ka namang boyfriend. O baka naman natatakot kang makita yan ng crush mo, ha?" Natahimik bigla si Aliyah, at naging dahilan iyon para matawa siya. Tang ina! Sinasabi ko na, crush niya ang iniisip niya! Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya. Basta bigla na lang niyang naisip pagtripan ito. Well, aware din naman siyang posible naman silang ma-isyu pero may explanation na siya agad for that: he was just hanging out with his co-star's younger sister, at talagang baby girl lang ang tawag niya rito palibhasa'y mas bata kasi. And of course, he considered Robin in the picture too. Kapag nagalit si Robin sa kanya, aasarin niya ito na baka nagseselos lang.That thought made him jitter in excitement. Gustong-gusto kasi niyang nakikita ang naiinis na mukha nito. Parang kasing kuting kung magalit si Robin, and he thought it was really cute. The silence went longer than expected, so Logan asked if Aliyah was still there. "Ha? Ah, oo," tugon naman nito. "But anyway, paki-delete yung MyDay, please?" "Ayoko nga!" "LOGAAAAN!" At ngayon, hindi na nagku-Kuya, oh? Hindi na niya naiwasang matawa nang malakas. "Bakit ba kasi? Ang pogi ko kaya doon. Sayang naman." "Ang hangin mo talagang kupal ka." Logan imagined Aliyah rolling her eyes the same way her brother do kapag napipikon na ito. "Besides, hindi ka ba nag-iisip na sobrang iskandalo iyang ginagawa mo?" "O? Bakit naman?" "Gaga! Minor kaya ako!" "O? Ano naman?" "Gaga! Mapagbibintangan ka pang pedo. Ba'la ka." Natigilan siya. May punto si Aliyah. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Bukod nga pala sa bata pa ito, anim na taon din ang tanda niya rito. Napakamot tuloy siya ng ulo. "Sige na nga. Buburahin ko na." "Good! Dapat kasi, hindi mo na iyon ginawa. Makakasira pa sa career mo iyan. Sayang pinaghirapan mo." "Naks, concern sa career ko. Sweet naman ni Baby Girl." "TSE! Iyan ka na naman!" Tumawa siya nang malakas. "Sige na, bababa ko na ito. Nagda-drive ako. Burahin ko rin agad kapag na-traffic ako. Rush hour naman." After Aliyah said goodbye, he turned the call down. Sakto ring na-stuck na siya sa traffic kaya sinunod na niya ang bilin nito. But of course, tiningnan muna niya iyon sa huling pagkakataon. Naiiling-iling na lang siya. "Sayang. Ang gwapo ko kasi talaga dito. I-crop ko na lang kaya?" However, he protested on that idea the moment his eyes landed on Aliyah. Ewan ba niya pero gandang-ganda siya sa ngiti nito sa picture na iyon. Natural na palangiti ang babae, but this one was really different. There was tranquility on it. Para bang nasa phase ito na wala itong dinidibdib na kahit ano. Bumuga siya ng hangin. How he wished he could go back to that time when everything was easy. Adulting f*****g sucks. Ang dami na niyang iniisip magmula nang bumukod siya sa pamilya niya two years ago. Napansin niyang umaandar na ang kotse sa harap niya. Taranta niyang itinabi ang phone at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Suprisingly, the traffic flow was smoother after it, kaya tuloy-tuloy ang biyahe niya. Kung hindi lang siya biglang nakatanggap muli ng tawag, hindi niya maaalala iyon. "Puta, yung MyDay ko pala!" bulalas pa niya saka tarantang kinuha ang phone upang tingnan kung sino iyon. His younger sister, Ashra. Natigilan tuloy siya. Ano na naman kayang kailangan nito? Sinagot niya iyon. "Hey, li'l sis! What's up?" "Kuya Xander, may pinapasabi si Mommy." Napangiwi siya. Talking to his parents was the last thing he wanted to do. "Ano raw?" There was a short silence before someone spoke again, his mother this time. "Xander, ano itong kinukwento ni Ashra na may baby girl ka na raw, ha?" Napitlag siya. Kamuntikan pang mapamura, mabuti na lang at nakapagpigil. "Ha? Ano iyon?" "Nakita ko kamo sa i********: niya!" sabi ni Ashra. "MyDay kamo. Sobrang pretty niya, Mommy!" What the hell, Ashra! "Ma, hindi ko siya--" "Isama mo siya sa dinner bukas." Anak ng... "Ma, hindi ko siya--" "By the way, don't forget the theme for tomorrow's dinner, okay? White ang kulay natin. It's your grandma's personal request." Tapos, binaba na nito ang tawag. "Wait, Ma!" But it was too late. He found an emergency parking spot so he pulled over. Once done, he screamed at the top of his lungs. "Tang ina, pwede bang makinig muna kayo sa akin!" Gusto niyang basagin ang phone sa inis niya. He decided to call his sister again and explained what really happened. "She's not my girlfriend. Magkaibigan lang kami. And I'm just teasing her earlier." Pero isang pang-asar na "Ows?" lang ang tugon nito. "I'm telling the truth, Ashra! Kapatid siya ng co-star ko kaya kami naging friend." "So bakit siya nasa car mo?" "Sinundo ko lang saka hinatid sa kanila--" He froze. s**t, mali! "I mean, isinabay ko lang! Nagkataon lang na nasa area ako na iyon kaya ko siya naisip isabay." "Ay, iba talaga si Kuya Xander. Ma-effort." Bumungisngis ito. "Yet you claim she's not your girlfriend." "Because she's not!" "Pero going there?" Sasampalin ko na tong bata na to. Konti na lang. "Look, Ashra. I just need you to tell Mom na hindi ko siya girlfriend, and I don't have a reason to bring her to Lola Cion's birthday--" "Bakit ako ang magsasabi? Problema mo iyan." Marahas siyang napakamot ng ulo. "Okay, whatever! Ibigay mo ulit ang phone kay Mama." "Okay, wait. Pero warning lang. Mommy is working on a case right now. And she looks stressed. She hasn't stopped working since she came home earlier." Napalunok siya. He imagined his mom frowning and as if would spit fire anytime. Mabagsik pa naman ito kapag mainit ang ulo. "So, ano? Kakausapin mo pa ba?" Napangiwi siya. "Sabihin mo na lang kasi sa kanya. Besides, I'm driving. I don't have time to talk to her--" "Ayaw! Bleh!" Then, she turned the phone down. "Ashra!" He tried calling her again pero nakapatay na ang phone nito. He grunted. "Puta! Ano ba tong pinasok ko?" Inuntog niya ang ulo sa manibela nang ilang ulit hanggang sa manakit iyon. Then, he looked at his phone again. What to do? Then, he received a message from Ashra. Agad niyang binasa iyon. Sabi ni Mommy, it doesn't matter daw kung hindi mo siya gf. She just wants to meet her, just to be sure that her only son isn't gay like the rumors say. ;) "Isn't... gay?" Napalunok siya. Matagal nang chismis ang tungkol sa sekswalidad niya. Hindi lang niya pinapansin dahil parang lahat naman yata ng leading actor sa bansa ay may ganoong kwento. What he did not know was alam na pala iyon ng Mama niya. Napalunok siya muli. It's not like he's gay. Alam naman niyang bisexual siya, kahit matumal siyang magkagusto sa babae. Pero handa kayang pakinggan ng parents niya ang paliwanag niya tungkol sa sekswalidad niya? Parents pa ba niya? They were the most hard-headed persons he knew. Not to mention, his dad is really homophobic. As if he wasn't shunned enough for not keeping up with the family's tradition, paniguradong itatakwil siya nito kapag nalaman ang tungkol sa kasarian niya. Pero si Aliyah...? Napalunok siya. Bahala na! Then, he called Aliyah again to explain what just happened. - When Aliyah heard of Logan's mom's invitation and the reason behind it, pinaulanan niya ng mura ang lalaki. Yamot na yamot siya sa kagaguhan nito. Logan, on the other hand, apologized and tried to convince her. Sinubukan pa siya nitong suhulan ng kung ano-anong mamahaling bagay. When none worked, he asked for her mom's permission instead. Aba, pumayag ang mama niya! Then, Helga convinced her to attend, much to her dismay. "Ito naman. Parang dinner lang. Wag mo namang ipahiya si Logan sa mama niya." Naningkit ang mga mata niya. "Ma, alam mo ba kung bakit ako pinapapunta doon?" "Gandang-ganda raw ang Mama niya sa iyo." Napamaang siya. "Ma! Hindi iyon ang reason!" "Heh! Magtigil ka. Pupunta ka doon. Hindi naman daw kayo magtatagal." Tapos, pinatay nito ang kalan para hanguin ang niluluto. "Anyway, tawagin mo na ang kuya mo. Kakain na tayo ng dinner." She didn't get a chance to voice her complain because her mom focused on fixing the table. Kakamot-kamot na lang siya ng ulo saka pumanhik sa second floor. Kinatok niya ang pinto nito. "Kuya? Kain na." Agad na binuksan ni Robin ang pinto. Nakita niyang pawis na pawis ito. "Wait lang kamo. Papatuyo lang ako ng pawis," sabi nito habang pinupunasan ang mukha gamit ang face towel. Aliyah could see his blue shirt drenched on sweat and sticking on his frail figure like a second skin. "Ginagawa mo d'yan?" kunot-noo niyang tanong. His brother is a few inches smaller than her. Gaya niya, mabilog din ang mga mata nito at mapupula ang mga labi. "Pina-practice ko lang yung sayaw namin on Sunday. May guesting kami, remember?" "Ah, oo nga pala." Tumango-tango siya. First guesting daw iyon na magkakasama ang main cast ng Mario Luigi: Scandalous Lover. "Sige, sumunod ka na lang." Tapos, gumawi siya papasok sa kwarto niya. "Ikaw? Hindi ka pa kakain?" nagtatakang tanong ni Robin. "Ayaw!" Binalibag niya ang pinto saka pabagsak na dumapa sa kama niya. Tomorrow, she would go out with Logan. Sabi nito, hindi naman daw siya ipapakilala bilang girlfriend. Ipapaliwanag naman daw nito na they were friends lang. She bit her lips. But the truth was it was making her nervous. Bukod sa hindi niya kilala ang pamilya nito, what if hindi nangyari ang sinasabi ni Logan? Paano kung ipagpilitan talaga nilang may namamagitan sa kanilang dalawa? Siguro sa kanya, pabor iyon. Crush niya ang lalaki. But not for Logan. Dahil may iba itong gusto, at iyon ay ang kuya niya. And that was the part that really hurt. Bakit nga ba kasi hindi na lang totohanin ang lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD