Chapter 2

2388 Words
Aliyah was silently eating her hamburger while reading a shounen ai (or a gay romance) manga on her phone when someone approached. "Casserin," bulong nito. Natigilan siya saka tumingala. She saw a fat girl wearing thick-framed glasses and a yellow blouse -- uniform ng ABM students. The girl looked around before occupying the empty seat beside her. "What's the update for Calyx?" bulong nitong muli. Napangiti tuloy siya saka muling binalot ng wrapper ang pagkain. "Don't worry, Bea, tapos na ang phase one. I'm about to execute the next step." Bigla itong umirit kaya taranta niyang tinakpan ang bibig nito. Then, Aliyah looked around the cafeteria. Mabuti na lang, walang tumingin sa kanila. The girl apologized after Aliyah removed her hand. "Na-excite lang talaga ako masyado," dugtong pa nito. "I can't blame you. Nakaka-excite naman kasi. Jusko kung alam mo lang kung gaano ka-hot si Kuya Joachim, talagang kikiligin ka." Joachim Montez is a third year Engineering student. Ito rin ang captain ball ng volleyball team sa college department. "Nako, girl. Super thankful talaga ako na na-discover ko ang kapatiran ninyo sa f*******:. Alam mo bang super crush ko talaga si Calyx? And I want him to be gay, like all of my crushes." Hindi na naman maiwasan ni Aliyah na mapangiti nang marinig ang tungkol sa kapatiran nila. Sa university nila, mayroong isang underground youth affiliation na Love Syndicate. The group was founded last year by a college girl they call Alpha. Samahan ng mga mahilig sa shounen ai. They actually tried to register it to be an official student group in their campus, but it was rejected immediately. Well, expected na rin palibhasa'y conservative Catholic school ang university nila. However, it did not stop them from forming the group, kaya naging underground group na lang. Nagsimula lang sila sa pagse-share ng mga gay story, hanggang sa inanunsyo ni Alpha na magsisimula na rin silang mag-pair ng mga boy sa campus nila nitong summer lang. Lagi kasi silang nakakatanggap ng request sa mga new member and even non-member. All of the senior members received one assignment. Calyx was assigned to Aliyah, palibhasa'y siya lang ang senior high sa kanila. "So what's the next plan?" tanong ng babae sa kanya. In-exit ni Aliyah ang manga reader app niya saka dinala sa isang private file kung saan niya sinulat ang comprehensive plan on how to make Calyx fell in love with Joachim. "Remember, phase one is to make Calyx attached to this anonymous lover, right? Tapos na tayo d'yan. As a matter of fact, he added me on f*******: last night to ask again kung hindi ba niya pwedeng makilala ang secret admirer niya." The girl gasped. "Shocks, true ba?" Tumango siya. "Gano'n siya kabilis na-fall!" Pumalapak ang babae. "E yung magiging seme niya?" "Oh, si Joachim." She swiped the note upwardly. "As for him, medyo complicated pa but we're going there." When Aliyah got her assignment, wala talagang binigay na ka-partner sa kanya. Muntik na nga niyang i-pair si Calyx kay Logan kung hindi lang sinuggest ni Alpha si Joachim. Hindi niya kilala ang lalaki pero agad niyang nagustuhan nang makita ang litrato nito sa i********:. Dumagdag pang nalaman din niya ang malungkot na kwento nito, and Aliyah wanted to take advantage of it para matupad ang plano niya. "Pero hindi ba parang straight itong Joachim? Lalaking-lalaki tingnan. Wala akong makuhang gay vibe sa kanya," ani Bea. "I know, but don't worry, I got this." Kinindatan ni Aliyah ang babae. "Remember, laging mainit ang ulo ni Kuya Joachim recently? At magte-take advantage tayo d'yan. Kaya kailangan ko lang ng tamang timing. And that's the hardest part para masimulan ang phase two." "Pero kaya ba?" "Of course!" Nag-okay sign siya. "Trust me, Bea. I can make it work. We can make this work." Muling pumalakpak ang babae. "Excited na ako, OMG!" "Same here." Nagpaalam na ang babae sa kanya. Aliyah waved her goodbye and followed her with her gaze. Once Bea was out of her eyeshot, she sighed. "And it's so silent again." Then, she looked around. White ang motif ng cafeteria. Dahil tuloy doon, mas kapansin-pansin ang dumi at lagkit ng sahig. Well, it was not surprising na rin na ganoon ang itsura dahil busy nang sandaling iyon. Halos lahat ng mga mesa ay okyupado ng mga grupo ng estudyante. Kahit saan tumingin si Aliyah, may mga nakikita siyang mga grupo na nagtatawanan. Meanwhile, siya... She sighed again and looked at the empty seats around her. Iyon ang pinili niyang pwesto dahil bakante. Nasa tabi kasi iyon ng bintana at talagang mainit, kaya kalimitang inaayawan. Tapos, nangalumbaba siya. Ang lungkot lang. Gusto rin niya na mga kakulitan tuwing break. But she did not have a choice. Iba-iba kasi ang schedule ng bawat section, at hindi tumugma ang kanya sa mga kaibigan. "This is why ayokong napupunta sa section na puro mga babae." Napailing-iling siya. "Mas masaya pa rin talaga kung mas maraming guys sa klase ko. Bakit ba kasi nag-reshuffling pa ng class?" Napailing-iling na lang siya ulit saka muling binuksan ang manga reader app. A few seconds later, kulang na lang ay magpapadyak siya sa kilig. Kung hindi lang biglang nag-bell, hindi na siya aalis sa inuupuan niya. She stretched her back and smiled. "Yaoi is life talaga," ngiti-ngiting bulong niya sa sarili saka naghanda nang bumalik sa classroom nila. - "Bakit gano'n yung kuya mo? Masyadong pa-hard to get?" Napatigil sa pagngata ng chicken nuggets si Aliyah saka napatingin kay Logan, na nakaupo sa driver's seat. "Ha? Bakit naman?" Tumingin naman sa kanya si Logan saka napakamot ng ulo. "Nag-confess ako sa kanya kahapon." Napamulagat siya. "Nani the f**k?" Umayos siya ng upo saka kumuha ng tissue sa tissue box sa dashboard para punasan ang kamay. "How did it go?" excited na aniya. Nagkibit-balikat ito. "Wala. Rejected." Napailing-iling pa si Logan. "Ngek? Bakit naman daw?" Aliyah was not surprised, though. Napag-usapan na rin kasi nila ni Robin kahapon ang tungkol sa ideal guy nito. Robin mentioned Benjamin, the third wheeler of Mario Luigi: Scandalous Lover. Mature at seryoso kumilos ang lalaki. Tahimik din. Sobrang layo sa personality ni Logan na sobrang kulit at isip-bata. Bumuntonghininga si Logan. "Ewan ko ba. Magulo rin." Tapos, kinuwento nito kung paano ang nangyari: Robin rejected him dahil masyado raw mababaw ang pagkakagusto nito sa kanya. "Hindi ko siya maintindihan. Hindi pa ba sapat na type ko siya dahil napaka-cute niya? Kailangan ba malalim dapat agad? Di ba lahat naman, nagsisimula sa physical attraction?" Logan looked at Aliyah to ask for approval. Napanguso naman si Aliyah. Mukhang mahihirapan pala siyang i-partner si Robin kay Logan. "Hindi ko sasabihing mali ka, Kuya Logan, pero parang ganon na nga. Sa case ni Kuya, at least." Logan bellowed and scratched his head exasperatedly. "Putek naman! Bakit ba gano'n yang kuya mo? Hindi ko ma-gets ang takbo ng utak!" Nagkibit-balikat si Aliyah. "Aba, malay ko? Tanggapin mo na lang kaya na hindi ka niya type?" Pinaningkitan siya ng mga mata ni Logan. "Excuse me? Anong sabi mo? Hindi ako type ni Robin?" "Uh? Yes?" "At bakit naman? Sa gwapo kong ito? At napakasarap ko para tanggihan niya. Hindi ko ibibida pero malaki yata ang kargada ko." Proud na proud ang tono ng kumag. Tinaasan ni Aliyah ng kilay ang lalaki. Well, hindi naman siya nabastusan sa sinabi nito, but she still thought it was inappropriate. Hello, babae siya? And this guy was a f*****g adult. Pero sa huli'y sinawalang-bahala niya lang ang sinabi nito. "Anyway, to answer your question kanina..." Huminga nang malalim si Aliyah. "Ewan ko lang kung aware ka na by now, ha? Pero may pagka-self-absorbed kasi si Kuya." "Self--ano?" "Self-absorbed. Meaning, parang sariling ideya niya lang ang ine-entertain niya. Well, hindi naman sobra to the point na egoistic na siya, but yeah, gano'n siya." Napakurap-kurap ito. "Explain mo pa nga. Hindi ko gets talaga." Muling humugot ng hininga si Aliyah. "Parang ganito ba: kapag may isang bagay siyang napagdesisyunan, nothing will change that. Kahit anong pilit mo, hindi mo na iyon mababago. "So halimbawa sa case mo, kapag sinabi niyang hindi pa malalim ang pagkakagusto mo sa kanya para i-entertain ka niya, well, wala ka nang magagawa doon. It means, for him, hindi talaga enough, and you have to work on that." "Gano'n?" malungkot na tugon ni Logan. "Yeah, gano'n." Nang hindi na nagsalita si Logan, tinuon ni Aliyah ang tingin sa windshield at pinagpatuloy ang pagkain. Truth be told, when Logan called her earlier para yayain siyang magmeryenda, gusto sana niyang tumanggi. She felt tired for whatever reason. Ramdam niyang nabu-burnout siya sa dami ng ginagawa niya recently. Hindi nga lang niya natanggihan ang lalaki dahil hinihintay na pala siya nito sa parking. "Anyway, okay ka lang ba, Aliyah?" Natigilan siya saka napatingin sa lalaki. Nakita niyang mukhang concern it. "Ha? Bakit?" "Wala lang. Parang ang tamlay mo kasi." Napakurap-kurap siya. Ha? Nahalata ba niya? She was sure that she did her best to conceal it. "Yeah, don't worry. I'm just tired, I guess?" Logan looked at her as if examining her. Nailang siya sa ginawa nito kaya umiwas na lang siya ng tingin. "Kung pagod ka pala, sige, hahatid na kita sa inyo." Tumango siya. "Yeah. Thanks." Wala nang sinabi ang lalaki. Binaba lang nito ang handbrake saka nag-backing. Habang bumibiyahe sila, pumikit si Aliyah. Hindi ako pwedeng magpadala sa dinadamdam ko. Kakayanin ko ito. Malalampasan ko ito. Nagawa nga ni Kuya dati, ako pa kaya? She smiled at that thought. Weird man pakinggan para sa iba pero sa tuwing naiisip niya ang kuya niya, biglang lumalakas ang loob niya. He was, after all, her inspiration and her hero. Whatever he did, alam niyang magagawa rin niya. "Aliyah!" Napitlag siya saka napatingin kay Logan. Nakita niyang tumatawa ito. "Bakit?" "Nandito na tayo. Kanina pa!" Napakurap-kurap siya. "Ha?" Sinilip niya ang labas at nakita niya ang gate nila. "OMG. Bakit hindi mo sinasabi?" "Sinabi ko kaya. Kaso nakatulala ka kasi." Umiling-iling si Logan. "Nakapag-selfie na nga ako't lahat, hindi mo pa rin naramdaman. Ano bang iniisip mo at ngingiti-ngiti ka pa d'yan?" Tapos, ngumisi ito. "Siguro...?" Napamulagat siya. "Luh? Ano kaya yun?" Tumawa na naman ito. "It's fine, Aliyah. Natural lang namang magka-crush ka. Nasa hustong edad ka naman na." "Crush?" Kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasasabi mo d'yan?" "Ay hindi ba? Ano bang iniisip mo?" "Wala!" Tinaas niya ang lock at in-unbuckle ang seat belt niya. "Anyway, baba na ako. Thank you sa paghatid, ha?" "You're welcome! Thank you rin sa oras mo. I appreciate it." Kumindat ito. Natigilan naman si Aliyah. Bukod sa ang gwapo ni Logan nung kumindat ito, first time niyang narinig na nagpasalamat ang lalaki sa kanya. O mas tama sigurong sabihing first yatang may naka-appreciate ng ginagawa niya. "O, bakit na tigilan ka na naman? Nagwapuhan ka ba sa akin?" Nag-pogi sign ito. "Gwapo ko, no?" She rolled her eyes. "Ewan ko sa iyo. Ang hangin, ah?" "Ayiiie! Baka naman ako pala ang crush mo at kaya ka natulala d'yan e dahil kinikilig kang hinahatid kita sa inyo?" "Tse! Parang tanga to!" Yet it made her laugh. "Sige na, bababa na ako." Binuksan niya ang kotse. "Bye, baby girl!" She froze. And instantly, there were butterflies on her stomach. Mabuti, naging mabilis siya sa pagkontrol ng emosyon. She raised her middle finger. "Ang creepy mo do'n, Kuya Logan! Susumbong kita kay Kuya." Biglang sumeryoso ang mukha ng lalaki. "Hala ka? Wag naman! Baka ma-turn off sa akin iyon. Ito naman, hindi mabiro." "E tinawag mo kaya akong baby girl! Ang creepy kaya. Brrrt!" Umasta siyang kinikilabutan kahit ba patuloy pa rin ang pagbilis ng t***k ng puso niya. "Bakit? Baby girl ka naman talaga, ah? Tamo iyang pisngi mo, sarap kurutin." At nangahas nga itong kurutin iyon. She grunted sabay tabig sa kamay nito. "Ang sakit, ha!" Nang tumawa ang lalaki, inirapan niya ito saka siya bumaba na. "Sige na. Babush na!" Logan waved. "Ibenta mo na lang ako mamaya sa kuya mo, ha? Lam mo naman, love na love iyon." And now it pricked a portion of her heart. Pero gaya ng lagi, kinubli lang niya iyon. "Sure. Bye! Ingat sa biyahe." Sinara na niya ang pinto. Hinatid muna niya ng tanaw ang kotse nito saka siya bumuntonghininga. Then, she let go of her smile and allowed herself to feel down. Napalunok pa nga siya. Lagi na lang ba talaga ako mai-insecure kay Kuya? Umiling-iling siya. Earlier, her brother inspired her. Ngayon, he was making her down. Ano ba talaga? Hay, ewan. Nagdesisyon siyang pumasok. Malugod niyang binati ang kasambahay nila. Niyakap pa nga niya sabay beso. "Ikaw talaga, Aliyah. Napakamasiyahin mong bata," sabi pa nito sa kanya. "Buti, hindi ka natulad sa kuya mong laging nakasimangot at parang laging aping-api." "Grabe naman si Yaya," tugon niya rito. "Kuh, totoo naman. Bakit ba gano'n yung kuya mo? Dapat nga maging thankful siya dahil ang daming blessings na natatanggap niya lagi. Tamo ngayon, artista pa siya. Nako, kung ako ang nakakuha ng lahat ng blessings niya, hindi na ako makakaramdam ng lungkot." Aliyah knew she could not hold her smile any longer, so she excused herself and went to her room. Pasalampak siyang nahiga sa kama niya saka bumuntonghininga. Mabait naman ang kasambahay nila. Kaya nga siya close dito, lalo pa ito ang nagpalaki sa kanya halos. Pero kung may isang bagay siyang hindi gusto rito, iyon ay parang hindi talaga nito naiintindihan ang sitwasyon nilang magkapatid. Robin and she grew up in a toxic environment. Pressured sila pareho. Habang siya ay laging kinukumpara sa kapatid, si Robin naman ay masyadong pinu-push na pagbutihan pa lalo ang gagawin. Then, whenever they both complain about their situation, they would be invalidated. Kesyo raw mas mahirap pa ang pinagdanan ng mga magulang nilang parehong nag-working student para maihaon sa hirap. Kesyo may ilang batang gugustuhing makipagpalit sa buhay nila kung pwede. Sa bahay na iyon, masyadong pinapamukha sa kanilang wala silang karapatang makaramdam ng negatibo dahil may privilege sila. It was really talking, yet none of the adults around them realized it right away. Sa mata kasi nila, normal lang iyon. And since it was normal, it also meant correct. Umiling-iling siya. Tama na. Ayaw na niyang masira pa lalo ang mood niya. Kinuha niya ang phone niya sa bag saka nag-check ng MyDay sa i********:, dahilan para mapabalikwas ng bangon. The first one she saw was from Logan. Boomerang clip iyon na kinuha sa loob ng kotse nito. Nagpapa-cute si Logan sa camera tapos makikita siya sa gilid nito. Pero ang talagang umagaw ng pansin niya ay ang caption nito. Ano kayang iniisip ni Baby Girl? "Baby girl?" Napalunok siya. Did Logan just call her baby girl? Tiningnan niya mabuti ang litrato. Baka kasi namali lang siya ng basa. Nothing changed. Kinusot niya ang mga mata. Pareho pa rin. Logan really called her baby girl. Napalunok siyang muli. Kasunod niyon ay ang pagbilis ng t***k ng puso niya. "Baby girl, ha? I'm your baby girl." Pumikit siya. Pagkuwa'y, nagkuyom ang mga kamao niya. "Shut up, Logan!" Then the next thing she knew, she was screaming at the top of her lungs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD