CHAPTER 51 Third Person's Point of View Tinitigan ko mabuti ang kabuuan ng Magic Paradise mula sa ere. Nilakasan ko ang loob ko habang nililibot ang tingin. Maraming nakahandusay. Ang iba ay magic user, ang iba ay dark magic user. Pumikit ako ng mariin at pinaulan ng healing magic sa buong lugar, pabagsak sa mga katawan na pwede pang iligtas. Magic users. Nagising ang iba, habang ang iba ay nanatiling wala ng buhay. First time kong magkaroon ng ganito kalaking responsibilidad at ganito kalaking misyon. First time at wala na kaagad naiwang kakampi sa tabi para harapin ang laban. Ano pa ba ang inaasahan ko? Malamang magfafail ako. Naikuyom ko ang aking mga kamao at nagteleport sa old elemental forest. Tinawag at hinanap ko si Mrs. Goldmor para humingi ng tulong. Siya nalang ang natiti

