CHAPTER 52 Third Person's POV Mabilis at tahimik ang bawat kilos ni Warren sa pinaka ilalim na parte ng palasyo ng black land. Wala na halos mga gwardya sa paligid dahil halos maubos ang mga ito na ipinadala sa Magic Paradise. Mabilis ang naging kilos niya na nabuksan ang bawat selda roon. Inutusan niya ang mga nandoon na sundan siya sa sikretong lagusan na alam niya palabas ng palasyo. Maraming sugatan at nanghihinang mga magic user ang naroon kaya mabagal ang bawat kilos at lakad nila. Inalalayan niya ang reyna Leila na nahihirapan maglakad ng kaunti. "Patawad po sa pagbaliktad ko sa Magic Paradise." mahinang bulong niya rito habang inaalalayan sa paglalakad. Ngumiti ang reyna saka hinawakan ang kamay nito. "Ang importante ay iyong kabutihang ginagawa mo ngayon para makabawi."

