HUMINTO ang sasakyan ni Noah sa parking lot ng isang mamahaling restaurant sa bahaging iyon ng Makati. “We are here.” Anunsiyo niya sa pagitan nilang dalawa ni Sayon. Nagkatinginan silang dalawa. Akmang bubuksan ni Sayon ang pinto sa passenger seat ng pigilan niya ito. “Let me.” aniya sa nobya. Matamis siya nitong nginitian. Napakurap-kurap siya. There is something with her girlfriend right now. Iba ang aura nito ngayon. Napansin na kaagad niya na sumigla at palaging nagniningning ang mga mata nito simula ng magkaroon ng katuparan ng kanilang relasyon subalit parang may iba sa gabing iyon. Para bang may nakikita siya ritong hindi niya maipaliwanag. Hindi niya mabigyan ng pangalan. Binuksan niya ang pinto ng drivers’ seat at bumaba ng magara niyang itim na sasakyan. They we’re cele

