ILANG araw pa silang nanatili sa San Quintin. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan na nilang bumalik ng Maynila. Sina Noah, Jacob at Aira ay may mga trabahong naiwan habang siya ay walang magiging problema. Nagkasundo silang babalik doon kapag maluwag ulit ang oras ng mga ito. Siya ay halos buwan-buwan namang umuuwi kaya wala iyong kaso sa kanya habang si Noah ay mukhang palagi na niyang magiging bitbit pag-uwi. Bukas na ang balik nila kaya nagyaya ulit si Mang Carlos na magkaroon sila ng munting kasiyahan bago sila bumalik sa Maynila. Pumayag naman sila kaya sa gabing iyon ay nagkakasiyahan sa bakuran ng ancestral house. Kasama nila roon ang ilan sa mga tauhan sa palayan. Naroroon din sila Aling Lusing at Rica at iba pa niyang kamag-anak. Sa isang mahabang mesa ay bumabaha ng iba’t

