SA MGA sumunod na araw ay naging abala si Sayon kasama ang grupo na pasyalan ang ibang lugar ng San Quintin o ibang bahagi ng Tarlac. Kung saan-saan sila nakakarating basta maisipan lang ng dalawang binata. Nasundan din ang trip ng dalawa na magtrabaho sa bukid. Iyon ay dahil sa hiling ni Noah. Mukhang nakatatak na talaga sa utak nito ang pagtira sa lugar na iyon kapag kasal na sila at kailangan daw na malaman nito ang pasikot-sikot na trabaho sa bukid. Maging si Jacob ay planong magpatayo ng rest house malapit sa ancestral house niya pagdating ng araw. Sa tingin nila ni Aira ay may usapan na ang dalawang lalaki. Sa sinabing iyon din ni Noah ay tumaas ang paniniwala niyang sila na talaga ang para sa isa’t-isa. Tuluyan niyang binura sa isip ang hula sa kanila ni Lola Salome. Hindi naman

