Chapter 39

2698 Words

NANG sumunod na araw ay nagyayang bumisita si Sayon sa kanyang Lola Salome. Pinsang buo ito ng lola niya pero naging malapit siya rito. Kapag bumibista siya noong bata pa siya sa San Quintin ay hindi puwedeng hindi niya pupuntahan ang matanda. Kundi ang magtatampo ito. Maganda ang sikat ng araw at walang pagbabadya ng ulan ng umagang iyon. Iisang barangay ang tinitirhan nila subalit magkaibang purok. Pagdating nila sa bahay ni Lola Salome ay sinalubong kaagad siya ng iba pa na niyang pinsan. Nakatira ang matanda sa isa nitong anak na may pamilya na rin. Hindi masasabing mayaman pero may kaya rin ang pamilya nito. Iyon ay dahil sa lupang pag-aari din ni Lola Salome. Dahil buhay pa ito ay hindi pa hinahati sa mga anak nito ang pag-aari ng lupa hindi kagaya ng kanyang lola na ipinamana sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD