NAGTITIMPLA ng kape si Sayon para sa kanilang dalawa ni Noah. Nakaligo na siya habang hinihintay ang nobyo na kasalukuyang nagbibihis. Sila Aling Lusing ay abala na sa kung ano-anong gawaing bahay. Plano nilang manatili lang sa bahay muna at mag-relax. Katatapos lang nilang kumain kanina bago sila maligo. Napag-usapan nilang tumambay nalang muna sa verandah. Pareho nanaman silang napuyat kagabi dahil hindi nanaman siya pinatulog ng maayos ng binata. Pagkatapos ng isang round nila nang pasukin siya nito sa kanyang kuwarto ay saglit lang itong nakatulog pagkatapos ay sumige nanaman. Inaantok pa talaga siya at gusto lang niyang humiga pero nakatanggap siya ng tawag kanina kay Aira na papunta ito at si Jacob sa kanila. Kaya obligadong bumangon siya. Nabanggit na niya kay Noah ang pagdating n

