NARAMDAMAN ni Sayon ang paghaplos sa kanyang harapan. Marahang kumapa roon ang isang mainit at pangahas na kamay. Natagpuan ng kamay ang isa niyang dibdib. Napasinghap siya ng maramdaman ang mainit at masuyong pagpisil doon. Kasunod niyon ang isang bagay na umibabaw sa kanya. Bahagya niyang naramdaman ang bigat ng bagay na iyon ng dumiin sa kanya. Pagkatapos ay naramdaman niya ang mainit at malambot na labing padampi-dampi ang paghalik sa kanyang mukha. Napaungol na unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Namulatan niya si Noah na abala at siyang gumising sa kanya. “Noah?” bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. “Wake up baby. I need you. I want you now.” Paanas na usal nito sa pagitan ng paghalik sa kanya. Hindi na siya nakasagot ng sakupin ng labi nito ang kanyang labi. Tuluyan na ri

