KINAGABIHAN ay halos ayaw pang umalis ni Noah. Pagdating ng hapon ng araw din na iyon ay hindi pa ito magkukusang lumabas ng kanyang silid kung hindi dumating ang mag-inang Nana Lusing at Rica para maghanda ng hapunan nila. Subalit nagbilin si Mang Carlos na huwag ng magluto ang asawa nito dahil sa handaan din naman ang punta nila. Kagyat na nawala sa isip ng nobyo ang pupuntahan nilang kaarawan kung hindi lang sa pagpapaalala ni Mang Carlos na dumating din kasunod ng mag-ina nito. Gusto lang kasi nitong magkulong sa kuwarto niya dahil marami pa raw silang gagawin at gagawin nito sa kanya. Pero dahil nakapangako sila ay kailangan nilang kumilos. Sa isang purok sa kanilang barangay din ang pupuntahan nilang kasiyahan. Gamit nila ang owner type jeep na pag-aari ni Mang Carlos na iniregalo n

