Chapter 35

2156 Words

“GOOD MORNING everyone!” umalingawngaw sa buong kusina ng ancestral ni Sayon ang masiglang boses ni Noah pagpasok nila sa roon. Napatingin sa kanila ang isang babaeng nasa singkuwenta pataas ang edad at ang isang magandang dalaga na nasa early twenties naman ang edad. Abala ang dalawa sa pag-aayos ng hapag para sa agahan. Naramdaman niya ang paghawak ni Noah sa kanyang beywang habang naglalakad sila palapit sa hapag. “Magandang umaga Sayon, Sir Noah.” Bumati si Nana Lusing. Ang may edad na babae. Ang mag-anak nito ang naging katiwala niya sa bahay na iyon habang ang asawa naman ni Nana Lusing na si Mang Carlos ang siyang namamahala sa palayan niya. Malayong kamag-anak niya ang mga ito sa mother side at mapagkakatiwaalan ang mga ito. Mababait ang mag-asawa at bilang ganti ay ibinibigay d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD