PATAPOS na si Sayon sa pag-aayos ng mga gamit niyang nakapatong sa kanyang kama. Pagkatapos niyon ay maghuhugas pa siya ng katawan. Inililipat niya sa cabinet ang mga gamit. Hindi na siya nagdala ng maraming damit dahil may mga gamit siyang nakalagay sa cabinet na nagagamit niya tuwing umuuwi siya roon. Sa tuwing umuuwi siya sa San Quintin ay hindi na siya nagdadala ng mga damit at ilang mga importanteng bagay nalang ang dinadala niya. Si Noah ang nagdala ng maraming damit dahil ilang araw sila roon. Natigil ang ginagawa niya ng marinig ang mga katok sa pinto galing sa labas ng kanyang kuwarto. Eksaktong ang hawak niya ang huling gamit na ilalagay sa kabinet. Pagbukas ay sumalubong sa kanya ang presko at maaliwalas na mukha ni Noah. Sa itsura nito ay nakapaligo na ito at nakapagbihis da

