NAKATUTOK ang buong atensiyon ni Noah sa mga papeles na nasa harap niya sa ibabaw ng kanyang mesa. Nakabalik na siya sa Manila kaninang umaga at sa bar niya siya dumiretso dahil maaga pa at gusto niyang mabawasan ang natambak niyang trabaho habang nasa Cebu siya. Dapat ay sa isang araw pa siya babalik pero maayos naman ang pagpapagawa nila ng bar sa Cebu kaya bumalik muna siya sa Manila. Naiwan ang isa pa niyang kaibigan na kasosyo niya sa bar na itatayo roon. Nasa daan na siya kanina ng tawagan niya si Sayon na nasa Manila na siya at padiretso sa opisina. Sabik na sabik na siyang makita ang dalaga at ngayon palang ay hindi na siya makapaghintay na kitain ito. Pero gusto muna niyang maligo at umuwi sa condo niya bago ito puntahan sa bahay nito. Kaya napag-usapan nilang mamayang gabi nala

