Chapter 45

1502 Words

NAKARATING sila Noah sa lugar kung saan naroroon sila kagabi ni Sayon. Doon sila nagpunta para alamin kung saan pa maaring dinala ang ibang survivors sa nangyaring pagsabog. Habang nasa daan ay binanggit na sa kanya ni Jacob na tinawagan nito ang mga magulang niya na kasalukuyang nasa ibang bansa dahil may pinasyalan ang mga itong kamag-anak nila. Agad na nagpa-book ang mga magulang para makauwi kaagad ang mga ito sa Pilipinas. Tatawag daw ulit ang mga ito anumang sandali. Pagdating sa lugar ay pare-pareho silang nanibago. Hindi na kagaya ng kagabi na makinang at maganda ang tanawin doon, ngayon ay pulos nagibang semento, maiitim na bahagi ng gusali at warak-warak ang ibang sasakyan ang makikita roon. Marami pa ring mga tao sa paligid at patuloy pa rin ang pag-apula ng usok sa pinakaloob.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD