BUMUHOS ang malakas na ulan habang naroroon si Sayon sa likod ng bahay niya. Dahil wala siyang magawa pagdating niya sa bahay pagkagaling niya sa parke kung saan nakatagpo siya ng bagong katauhan ni Ysay at Miguel ay naisipan niyang taniman ang likod ng bahay dahil bakante iyon. Maulan kanina sa parkeng pinanggalingan niya pero pagdating niya sa bahay ay mumunting ambon lamang ay mayroon. Pero dahil biglang lumakas ang ulan ay hindi na niya iyon nagawa. At dahil nabasa na ay tuluyan na siyang naligo sa ulan. Tinigilan niya ang pagbubungkal ng lupa at nagpunta sa isang bahagi ng bakuran niya. Ngayon ay nakaupo siya sa swing na naroroon na bata palang siya ay naroon na. Ilang minuto na siyang naroroon. Pagkatapos ay parang batang nagpaikot-ikot sa ilalim ng ulan. Bata palang siya ng huli

