NASA isang parke si Sayon. Nakaupo siya sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno ng acacia. Kanina pa siya nagmamasid sa paligid pero wala roon ang atensiyon niya. Nasa ibang dimensiyon ang diwa niya ngayon at naglalakbay sa kawalan. Hindi matao ngayon sa parkeng iyon. Marahil ay dahil sa panahon. Makulimlim ang kalangitan pero lumabas pa rin siya. Gusto lang niyang maglakad-lakad at sumagap ng sariwang hangin. Days past at ilang araw na rin siyang nananabik kay Noah. Lalo na ang kanyang puso. Gustong-gusto na niya itong makasama o kahit ang masilayan man lang niya ito. Ni hindi niya alam kung makikita pang muli ang binata. Ilang beses na ba niyang inuudyukan ang sarili na tawagan ang binata o kaya ay puntahan nalang ito. Kahit magkausap lang sila o magkaliwanagan. Gusto niyang sab

