ILANG ARAW ng walang maayos na tulog si Noah simula ng huli silang mag-usap ni Sayon. Palagi siyang inaabutan ng madaling araw sa kanyang opisina. Wala rin siyang ganang makisalamuha sa mga parokyano sa bar hindi kagaya noon. Sa ikalawang pagkakataon ay na-broken hearted siya. Pero hindi kagaya sa una, ngayon ay alam niyang hindi siya nadehado. Hindi siya dehado sa paraang naloko siya o naiputan sa ulo. Hindi siya dehado dahil hindi naman siya pinaasa ni Sayon. Hindi siya nito pinaniwala na may future sila – though ibang klase ang ‘pagkakaibigan’ nila. Wala naman silang intindihan tungkol sa kung anuman sila. Kaya walang rason para sumama ang loob niya sa dalaga o magalit dito. In the first place, magkaibigan lang naman talaga sila. Wala naman silang naging usapan tungkol sa kung saan pat

