KADARATING ni Sayon at Hans sa bahay ng dalaga. Ang totoo ay wala naman talaga silang importanteng lakad. Nag-ikot-ikot lang sila at nagpunta sa kung saan-saan. Hindi na sila nakapaghapunan dahil nagyaya na siyang umuwi. Iisa ang dahilan niya. Nawala na siya sa mood kahit pilit niyang pinasasaya ang sarili. Alam niyang naabala niya ang binata subalit iyon kasi ang kailangan niya ngayon. Dahil kung hindi siya lalabas at mananatili sa kanyang bahay ay siguradong magmumukmok lang siya at mapapraning. Kanina pa siya nawala sa mood ng dumating si Noah at isipin nitong may unawaan na sila ni Hans. Tinawag niya ang binata at tinangkang magpaliwanag dito pero hindi na niya ito nahabol pa. Ni hindi niya alam na susulpot doon ang binata. Hindi na nga siya nakibalita kung magaling na ito o kumusta a

