MULING nakatayo si Noah sa pinto ng morge sa silid kung saan naroroon pa rin ang ibang mga katawan ng namatay sa pagsabog. Ilan sa mga iyon ay kinuha na ng mga kamag-anak pero ang katawan ni Sayon ay naroroon pa rin. Inilagay lang ito sa loob ng isang parang refrigerator na pahabang kahon para hindi bumaho ang katawan ng dalaga. Kahapon ng iwan niya sila Jacob at Aira doon ay hindi alam ng mga ito kung ano ang gagawin sa labi ng dalaga. Wala na kasing kamag-anak na maaring magdesisyon at nasa San Quintin naman ang mga kamag-anak nito. Kaya kagabi ay ilang beses siyang tinatawagan ng dalawa. Kailangan na raw alisin doon ang labi ni Sayon dahil baka marami pang dumating na mga katawan. Kagabi ay hindi niya alam kung papaano siya nakauwi sa condo niya. O mas tamang sabihing kaninang mag-uum

