“SERYOSO?!” kasunod niyon ay mahinang kumawala ang isang mura mula sa bibig ni Lianne. Kung bakit sa dinami-rami ng lugar na puwede siyang masiraan ng sasakyan ay sa lugar na iyon pa. Pakanta-kanta pa siya kanina pero heto ngayon at nasiraan siya. “Dito pa talaga? Ha Luna? Dito ka pa talaga masisiraan ng gulong?” kausap niya sa kanyang sasakyan. Isa iyong Toyota Corolla na medyo luma na ang model at pinagtitiyagaan nalang niya. Maganda pa naman ang makina at bihira siya nitong itirik. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay biglang na-flat ang gulong niya at sa lugar pa na iyon. Na-check naman niya kanina ang mga gulong ng sasakyan at wala iyong problema. Regalo iyon sa kanya ng mga magulang niya ng magtapos siya sa kolehiyo apat na taon na ang nakakaraan. Second hand lang iyon per

