NAGISING si Noah sa isang bagay na tumutundo-tundo sa kanyang mukha. Nakapikit na iwinasiwas niya ang kamay para palisin ang kung anumang bagay na iyon. Pero muli niyang naramdaman ang pagtundo-tundo at sa pagkakataong iyon ay sa bahaging pisngi naman niya. Muli niyang iwinasiwas ang kamay. Antok na antok pa siya at ayaw gusto pa niyang matulog. “Leave me alone.” Paungol niyang saad sa pag-aakalang baka sumugod nanaman si Jacob sa bahay niya at ginugulo siya. Akmang makakatulog nanaman siya ng biglang may sumaboy na malamig na tubig sa kanyang mukha. “s**t!” Bigla siyang bumalikwas ng bangon. Pati yata dulo ng mga anit niya ay nagising sa malamig na bumuhos sa kanya. “What the hell?!” malakas na bulalas ni Noah. Bigla siyang tumayo dahil dumausdos sa katawan niya ang tubig. Ipinagpag n

