DIRE-DIRETSO si Noah sa kusina ng maliit na bahay na inuupahan niya. Inihagis lang niya ang t-shirt na nakasampay sa kanyang balikat sa kung saan. Tinungo niya ang refrigerator at naghalungkat ng beer. Pulos beer ang laman ng ref sa totoo lang. Dumampot siya ng isang canned beer at tinanggal ang pin niyon. Walang seremonyang dinala niya ang can sa bibig at dire-diretsong lumagok. May umapaw pa ang alak sa bibig niya pero pinunasan lang niya iyon ng kamay niya. Pagkatapos ay nagpunta siya sa maliit ding sala tangan ang lata ng alak. Pasalampak siyang umupo sa hindi mamahaling mahabang sofa at muling tumungga ng alak. Hindi siya nakakaramdam ng gutom kahit kagabi pa siya walang kain. Inaantok pa rin siya at gusto pa niyang makatulog. Pipikit-pikit ang mga matang inilibot niya ang tingin sa

